• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duque napaiyak sa pagdinig ng Kamara

“Winawarak ninyo ang dangal ng Department of Health (DOH)!”

 

 

Ito ang sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa Commission on Audit matapos na maging emosyonal at hindi mapigilan ang mapaluha sa pagharap nito sa pagdinig ng House Committee on Public Accounts kaugnay sa kinukuwestiyon ng Commission on Audit (COA) na P67.32 bilyong deficiency sa pandemic funds ng DOH.

 

 

Sinabi ni Duque na hindi winawaldas ng kagawaran ang pondo at tinitiyak nila ang pagsunod sa proseso.

 

 

Tiniyak din ng Kalihim na ang P67.32 bilyon ay nagamit at patuloy na ginagamit ng ahensya para sa COVID response ng pamahalaan.

 

 

Inihayag pa ni Duque na sa kabila ng mga pagbatikos ay walang humpay ang sakripisyo ng ahensiya sa pagtugon sa pandemya, sa pangangailangan ng mga health workers at maging sa mga COVID-19 patients.

 

 

“Mula no’ng Wednesday na lumabas po ito, hindi na po ako nakakatulog, ang mga kasama kong mga opisyal sa DOH, hindi na rin halos nakakatulog. Bakit ‘ka ninyo?  Sa kahihiyan, we were bloodied and bludgeoned with this issue, and kung ganito nang ganito tayo, papaano tayo uunlad?” pahayag ni Duque.

 

 

Nilinaw naman ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na kulang lang sila ng mga naisumiteng dokumento sa COA kaya kinakitaan ng deficiency.

 

 

Aniya, kinukumpleto pa nila ang mga dokumento para maisumite sa COA.

 

 

“Mula no’ng Wednesday na lumabas po ito, hindi na po ako nakakatulog, ang mga kasama kong mga opisyal sa DOH, hindi na rin halos nakakatulog. Bakit ‘ka ninyo?  Sa kahihiyan, we were bloodied and bludgeoned with this issue, and kung ganito nang ganito tayo, papaano tayo uunlad?” pahayag ni Duque.

 

 

Nilinaw naman ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na kulang lang sila ng mga naisumiteng dokumento sa COA kaya kinakitaan ng deficiency.

 

 

Aniya, kinukumpleto pa nila ang mga dokumento para maisumite sa COA. (Daris Jose)

Other News
  • Zack Snyder’s Justice League Coming To HBO GO This March, Three Teaser Posters Revealed

    WARNER Bros. Pictures and DC full-length Max Original feature film Zack Snyder’s Justice League will premiere same time as the U.S. on HBO GO in the Philippines on Thursday, March 18, 2021.     The announcement came with the debut of three new teaser posters.     The release of Zack Snyder’s Justice League will be supported […]

  • Japan, nag-alok na ng tulong sa Pilipinas

    NAG-ALOK na ng tulong ang Japan sa Pilipinas sa gitna ng pagsisikap ng pamahalaan na makita at mailigtas na ang mga posibleng naiipit na biktima ng 7.0 magnitude earthquake kamakalawa.     Ito ang inihayag ni Office of the Civil Defense Assistant Secretary Rafaelito Alejandro sa naging pag-uulat nito sa  ginawang situation briefing kay Pangulong […]

  • Biglang nadamay si Alden sa balitang breakup: SAM at CATRIONA, kumpirmadong may pinagdaraanan na sana’y ma-resolve pa

    KINUMPIRMA na ng Cornerstone Entertainment, ang talent management nina Sam Milby at Miss Universe 2018 Catriona Gray, na may pinagdaraanan ang engaged couple.     Ginagawa raw nila ang lahat para maayos ang anumang problema na hinaharap ng magkarelasyon.     Ayon sa official statement, “We at the Cornerstone, as the talent management agency representing […]