• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Japan, nag-alok na ng tulong sa Pilipinas

NAG-ALOK na ng tulong ang Japan sa Pilipinas sa gitna ng pagsisikap ng pamahalaan na makita at mailigtas na ang mga posibleng naiipit na biktima ng 7.0 magnitude earthquake kamakalawa.

 

 

Ito ang inihayag ni Office of the Civil Defense Assistant Secretary Rafaelito Alejandro sa naging pag-uulat nito sa  ginawang situation briefing kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Ani  Alejandro, ipinadaan ang alok na tulong sa Philippine International Humanitarian Assistance Cluster sa pangunguna ng Foreign Affairs Department (DFA).

 

 

Maliban sa naging  alok na tumulong sa search, rescue and retrieval operation, nag-alok din ang Japan ng  emergency supply.

 

 

Samantala, ang Philippine International Humanitarian Assistance Cluster ang siyang nagmomonitor sa mga offer of assistance mula sa ibang mga bansa. (Daris Jose)

Other News
  • KRIS at BIMBY, nagpaalam na kay JOSH dahil sa Tarlac talaga gustong tumira; magkapatid, nagkaroon ng mahabang tampuhan

    NAGPAALAM na ang mag-inang Kris Aquino at Bimby kay Josh.     Hindi na nga sila magkakasamang tatlo sa isang bahay dahil mas gusto na talaga ni Josh na sa Tarlac manirahan.   Nag-goodbye na sila kay Josh noong Miyerkules at iniwan na ‘to sa Tarlac. Birthday ni Josh sa June 4, so ewan lang […]

  • Pinas, hindi na kayang bumalik sa “stricter quarantine levels” – Sec. Roque

    HINDI na kayang bumalik ng Pilipinas sa “stricter quarantine levels” sa kabila ng pagtaas ng COVID-19 cases.   Sa Metro Manila, nakapagtala ito ng 1,025 new daily cases sa nakalipas na 7 araw, tumaas ng 42% mula sa nakalipas na linggo at 130% kumpara sa nakalipas na 2 linggo, ayon sa OCTA Research group.   […]

  • Bulls jersey ni Jordan posibleng mabili sa auction ng $500-K

    Inaasahan ng Goldin Auctions na mabibili sa kalahating milyong dolyar magiging presyo ng isa sa pinakahuling Chicago Bulls jersey ni NBA legend Michael Jordan.   Ang nasabing jersey ay sinuot ni Jordan noong ’97-’98 finals na siyang huling season nito ng makaharap nila ang Indiana Pacers.   Sinuot nito ang jersey noong game 3 and […]