• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAHIGIT 5MILYON BAGONG BOTANTE, NAITALA

NAKAPAGTALA na ng 5.77 milyong bagong botante ang Commission on Elections  isang buwan bago ang itinakdang deadline ng voter registration para sa 2022 .

 

 

Ayon may Commissioner Rowena Guanzon malapit na  sa target ng Comelec na maaring makapagrehistrong botante.

 

 

Sa isang forum na inorganisa  ng Catholic Educational Association of the Philippines, inihayag ni Guanzon na mayroon na ngayong “higit sa 60 milyong” rehistradong botante, na may malagpasan pa ang 61-milyong marka noong Mayo 9, 2022 election

 

 

Nauna nang nanawagan ang ilang mambabatas at civic groups na palawigin pa ng Comelec ang voter registration hanggang Oktubre 31 sa gitna na rin ng pandemic.

 

 

Hindi pa tumutugon sa mga panawagan ang Comelec , ngunit kinilala ni Guanzon na naging mahirap para sa mga tao na magtungo sa mga tanggapan ng distrito ng Comelec dahil sa mga COVID-19 restrictions.

 

 

“With the pandemic and the ECQ in NCR and Iloilo, it is getting harder for our people –– especially the older people and those with disabilities –– to go out and register… We have provided for Saturday registration, specifically for students or those who are working, and we hope you young people can take advantage of this with the support of your colleges,” wika ni Guanzon sa mga mag-aaral  at  school administrators.

 

 

 

Sinabi ni Guanzon nitong  Lunes na mayroong 6.3 milyong mga botanteng na-disenfranchised, o ang mga hindi nakaboto sa huling dalawang sunud-sunod na halalan, na nanganganib mawala sa kanilang pagkakataong bumoto maliban kung muli nilang buhayon o reactivate ang kanikang estado sa Comelec.

 

 

 

Binanggit din ni Guanzon na ang online reactivations gamit ang  video calls para iberipika ang pagkakilanlan ng botante  ay bukas na rin sa lalong madaling panahon kung saan uunahin ang mga nakatatanda at may kapansanan.

 

 

“We assure the public that the Commission is quite capable of doing this job of administering elections during a pandemic,” dagdag pa ni Guanzon

 

 

Inanunsyo rin ng Comelec na magsisimula nang tumanggap ng aplikasyon mula sa political parties, civic groups at IT experts  upang lumahok sa pagsusuri ng source code na magagamit para sa  automated election system sa susunod na taon. GENE ADSUARA

Other News
  • IPAPATAYONG COMELEC BUILDING, HINDI LUHO

    IDINEPENSA ng Comelec Chief  na hindi luho kundi necessity ang gusali ng Comelec na ipinapatayo.     “Hindi naman po ito luho itong pagpapagawa ng building. Ito po ay talagang necessity. Kailangang kailangan lang po talaga”,  ayon kay Comelec Chairman George Garcia sa mahigit dalawang hektaryang site kung saan itatayo ang 9 storey building ng […]

  • Magkapatid timbog sa P340K shabu

    ARESTADO ang isang bebot at ang kanyang kapatid na kelot matapos makumpiskahan ng nasa P340K halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon.   Kinilala ng bagong hepe ng Valenzuela City Police na si P/Col. Fernando Ortega ang mga naarestong suspek na si Khalillah Dagalangit, 23, at […]

  • Zack Snyder’s Justice League Coming To HBO GO This March, Three Teaser Posters Revealed

    WARNER Bros. Pictures and DC full-length Max Original feature film Zack Snyder’s Justice League will premiere same time as the U.S. on HBO GO in the Philippines on Thursday, March 18, 2021.     The announcement came with the debut of three new teaser posters.     The release of Zack Snyder’s Justice League will be supported […]