• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao ensayo agad sa Vegas

Walang tigil sa ensayo si People’s Champion Manny Pacquiao na sumalang agad sa magagaan na workout nang dumating ito sa Las Vegas, Nevada.

 

 

Nasa Las Vegas na ang Pinoy champion para sa laban nito kay Yordenis Ugas sa Linggo (oras sa Maynila).

 

 

May apat na oras na land travel din ang biniyahe ni Pacquiao mula Los Angeles, California patungong Las Vegas, Nevada sakay ng kanyang itim na Mitsubishi SUV.

 

 

Kasama ni Pacquiao sa sasakyan ang kanyang pamilya.

 

 

Ngunit walang pahi-pahinga para sa Pinoy champion dahil sumailalim agad ito sa ilang workout para pagpagin ang ilang oras na pagkakaupo sa sasakyan.

 

 

Tapos na ang mabibigat na workout ni Pacquiao sa Wild Card Gym sa Hollywood, California.

 

 

Sa katunayan, bago umalis ng Los Angeles, sumailalim pa si Pacquiao sa ilang sparring sessions.

 

 

Bantay-sarado rin ang diet ni Pacquiao para masiguro na nasa tamang timbang ito bago ang official weigh-in sa Sabado (oras sa Maynila).

 

 

Ipinalit na kalaban ni Pacquiao si Ugas na kasalukuyang nagmamay-ari ng World Boxing Association (WBA) welterweight belt.

Other News
  • Gilas inilusot ni Belangel

    Pormal nang inangkin ng Gilas Pilipinas ang tiket para sa 2021 FIBA Asia Cup Championships sa Agosto sa Indonesia.     Salamat na lamang sa buzzer-beating three-point shot ni point guard SJ Belangel.     Ang triple ni Belangel ang nagtakas sa 81-78 panalo ng Nationals laban sa mga South Koreans sa third at final […]

  • Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, nagpahiwatig ng posibilidad na pagreretiro pagkatapos ng 2024 Olympics

    NAGPAHIWATIG  ngayon ang kauna-unahang Pilipinong nakasungkit ng gold medal sa Olympics na si Hidilyn Diaz-Naranjo ng posible nitong pagreretiro na sa weightlifting pagkatapos ng 2024 Paris Olympics.     Sa kanyang Facebook post, ipinost ni Diaz ang larawan ng kanyang mga kamay kalakip ang isang sulat sa kanyang sport.     Aniya, naghahanda araw raw […]

  • Binalikan ang aksidente habang nagti-taping: KATRINA, hindi gagawing libangan ang pagmo-motor

    MAGANDA raw ang sitwasyon sa pagitan nina Joem Bascon at Willie Revillame bilang magbiyenang ‘hilaw’, dahil hindi pa kasal ang aktor at si Meryl Soriano.     Lahad ni Joem, “Masaya naman po, pero now hindi namin siya masyadong nakikita kasi masyado pa po yatang busy.     “Waiting lang naman po ako kay Meme, […]