• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Binalikan ang aksidente habang nagti-taping: KATRINA, hindi gagawing libangan ang pagmo-motor

MAGANDA raw ang sitwasyon sa pagitan nina Joem Bascon at Willie Revillame bilang magbiyenang ‘hilaw’, dahil hindi pa kasal ang aktor at si Meryl Soriano.

 

 

Lahad ni Joem, “Masaya naman po, pero now hindi namin siya masyadong nakikita kasi masyado pa po yatang busy.

 

 

“Waiting lang naman po ako kay Meme, pag nagsabi naman po si Meme na dadalawin namin si Papa niya, iyon.”

 

 

Hindi sila magkakasama noong Pasko.

 

 

“Nung Christmas na kina Tito Mykee kami, nung New Year, kina Tito Mel,” pagtukoy ni Meryl sa mga tiyuhin ni Meryl na sina Mykee at Mel Martinez.

 

 

Sobrang busy raw kasi si Willie kaya malamang this year nila pasyalan ang comedian/host.

 

 

“Hihintayin ko lang kung ano ang sasabihin ni Meme, oras na sabihin niya na dadalaw kami, dadalaw na kami.

 

 

“Busy kasi siya [Willie] palagi, alam niyo naman iyon, palaging maraming tinutulungan,” wika pa ni Joem.

 

 

Samantala, hindi maarte si Joem sa mga role sa telebisyon o pelikula, kaya kahit suporta lamang siya, tulad sa ‘Asawa Ng Asawa Ko’ ng GMA kung saan isang rebeldeng si Leon ang papel niya ay ayos lamang sa kanya.

 

 

“Hindi ako mapili. Hindi na ako namimili ngayon, kung ano ang ibigay sa akin, gagampanan ko na maayos.”

 

 

Sa ‘Asawa Ng Asawa Ko’ ay mga lead stars rin sina Rayver Cruz as Jordan, Jasmine Curtis-Smith as Cristy, Liezel Lopez as Shaira at Martin del Rosario bilang Jeff. Mula ito sa direksyon ni Ms. Laurice Guillen.

 

 

Tampok rin sa Asawa Ng Asawa Ko sina Gina Alajar as Carmen, Mariz Ricketts as Pusit, Jennifer Maravilla as Sawa, Kzhoebe Baker as Tori, Quinn Carillo as Leslie, Patricia Coma as Pusa, Luis Hontiveros as Alakdan, Kim de Leon as Kuwago, Crystal Paras as Nonette, Billie Hakenson as Buwaya, Ian Ignacio as Igat, at Bruce Roeland as Bakulaw.

 

 

***

 

 

BAGO pa man ang guesting ni Katrina Halili sa podcast na ‘Surprise Guest With Pia Arcangel’ kamakailan ay alam na namin ang tungkol sa aksidenteng sinapit ng aktres sa motorsiklo.

 

 

Naka-chat namin si Katrina via Facebook messaging at nabanggit nga niya ang tungkol dito.

 

 

Kinailangan kasing mag-aral ng aktres mag-motor para sa ‘Black Rider’ na pinagbibidahan ni Ruru Madrid sa GMA.

 

Lahad ni Katrina kay Pia, “Tinry ko, tapos okay naman, nagawa ko naman, nakinig akong mabuti kasi nung tinuruan naman ako bata pa ako and bata pa yung nagturo. Ito, in-enroll kami so may nag-lesson talaga, tapos nakinig ako, tapos napaandar ko naman yung motor,”

 

Nang sabihan siya na kailangan niyang patayuin ang sinasakyang motor habang umaandar o mag-wheelie, sa simula ay tumanggi ang aktres.

 

 

“Sabi ko, ‘Ha? Ano ‘yun, double, hindi ko gagawin ‘yung tatayo, hindi ko yata kaya yun, takot ako.’

 

 

“Sabi ko, ‘Hindi ba double na ‘yun?’ Sabi niya, ‘Hindi, kasama po sa basic.’”

 

 

Pero sa huli ay ginawa rin niya.

 

 

“Hindi pala ako masyado nakatayo dun sa video. Tapos sabi ko, ‘puwede isa pa?’ So umikot ako, pag tayo ko, siyempre first time kong tumayo di ba, na-excite na naman and big bike siya.

 

 

“Pag stop ko, dahil naka-tip-toe ako at big bike siya, bigla akong tumumba!”

 

 

Naipit ang paa at hita ng aktres sa ilalim ng motor, at ang nasapul ng injury ay ang kanyang tuhod.

 

 

“Hirap na hirap akong umakyat ng stairs, natutulog na lang ako sa ibaba, hindi na ako nakakaakyat ng hagdan,” kuwento pa ni Katrina.

 

 

Naka-recover na naman ang aktres pero tila hindi raw niya gagawing libangan ang pagmo-motor.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • PNP naghahanda sa Alert Level 1

    PINAGHAHANDA na ni (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos ang lahat ng commander sa National Capital Region (NCR) sa posibleng pagpapatupad ng Alert Level 1 status bunsod na rin ng rekomendasyon ng Metro Manila Mayors simula Marso 1.     Ayon kay Carlos, kasama sa paghahanda ay ang pinalakas na police visibility upang matiyak na nasusunod […]

  • Psalm 86:11

    Teach me your ways, O Lord, that I may live according to your truth.

  • Target na maipatupad ang 3-strike ng Radio-Frequency Identification o RFID

    Sa darating na Pebrero 22, 2021 target na maipatupad ang 3-strike policy para sa mga motoristang gumagamit ng Radio-Frequency Identification o RFID.     Ito ang kinumpirma ni Transportation Usec. For Finance Garry de Guzman sa pagdinig ng House Committee on Transportation.     Ayon kay de Guzman, hindi pa nasisimulan ang polisiya dahil magkakaroon […]