Vaccination drive ng pamahalaan, paiigtingin
- Published on August 20, 2021
- by @peoplesbalita
NANGAKO ang Malakanyang na mas paiigtingin pa nila ang vaccination drive ng pamahalaan sa pagsisikap na makamit ang population protection sa gitna ng umiiral na coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.
Ang pangako na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos na i-welcome ang resulta ng Social Weather Stations’ (SWS) na may petsang Hunyo 23 hanggang 26 poll na nagpapakita na may 68% ng 1,200 adult Filipinos ang may easy access sa Covid-19 vaccination sites sa kanilang lugar.
Iniugnay ni Sec. Roque ang pagbuti ng access sa vaccination sites sa “combined hard work” ng executive branch, local government units (LGUs), at major stakeholders gaya ng private sector leaders na nag-ambag sa national vaccination program.
Sa kabilang dako, batid naman ni Sec. Roque ang pangangailangan ng pamahalaan na pagsumikapan na matiyak ang maayos na vaccination drive.
“While much has been achieved since we began, we recognize that much more needs to be done. The same SWS survey reveals that there are areas that still have no access to a vaccination site and/or have a slow pace of vaccination,” aniya pa rin.
Tinukoy ni Sec. Roque ang SWS survey na nagsiwalat na may 50% ng mga Filipino ang naniniwala na ang vaccination rollout sa bansa ay mabagal.
Aniya, palalakasin ng pamahalaan ang suplay ng Covid-19 jabs para mapabuti ang “access to and pace of vaccination.”
Sinabi pa ni Sec. Roque na bibili ang bansa ng mas maraming Covid-19 vaccines, tapikin ang pharmacists at medical interns para madagdagan ang personnel o vaccinators, at gumamit ng village health centers bilang vaccination sites.
“We are likewise undertaking initiatives, together with our partnership with the LGUs and the private sector, such as having malls as vaccination sites, drive-thru vaccination, bakuna all day/night, house-to-house vaccination to inoculate the elderlies and vulnerable, to reach more people,” ayon kay Sec. Roque.
Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Sec. Roque sa publiko na ang layon talaga ng gobyerno ay ang panatilihing ligtas ang mga mamamayang Filipino mula sa Covid-19.
“Rest assured that we will not rest until we achieve population protection, for no one is safe, as the President underscored until all of us are safe,” anito.
“As of Aug. 18,” may kabuuang 28,308,493 Covid-19 vaccine doses ang naiturok na sa buong bansa.
Tinatayang nasa 15,565,411indibiduwal na ang fully vaccinated habang 12,743,082 ang nakatanggap ng first dose ng Covid-19 vaccine. (Daris Jose)
-
Ads February 20, 2020
-
HOUSE BILL 7034, ISABATAS
Magsisilbing isang tulay na magdurugtong sa mga guro at sa ‘new normal’ ang pagpasa ng mga panukalang batas na makatutulong sa pagtugon sa hamon sa teknolihiya sa panahon ng pandemya, tulad ng House Bill 7034. Naglalayon ang HB 7034 (Internet Allowance for Public School Teachers Act of 2020) na isinusulong ni ACT-Teachers Party-List Rep. […]
-
Kahit may Master’s Degree na in Management: RONNIE, tuluy-tuloy lang ang pag-aaral para makakuha ng PhD
PINAKITA ni Beauty Gonzalez ang mga alahas na ipapamana niya sa kanyang anak na si Olivia balang-araw. Isa nga rito ay ang Pangaw beads na galing pa sa Mountain Province. Ayon sa Museo Kordilyera’s website, ang Pangaw beads ay gawa sa “glass beads encased in gold. Numerous beads strung together and […]