HOUSE BILL 7034, ISABATAS
- Published on July 6, 2020
- by @peoplesbalita
Magsisilbing isang tulay na magdurugtong sa mga guro at sa ‘new normal’ ang pagpasa ng mga panukalang batas na makatutulong sa pagtugon sa hamon sa teknolihiya sa panahon ng pandemya, tulad ng House Bill 7034.
Naglalayon ang HB 7034 (Internet Allowance for Public School Teachers Act of 2020) na isinusulong ni ACT-Teachers Party-List Rep. France Castro na maglaan ng badyet para sa internet allowance ng mga pampublikong guro na nagkakahalaga ng P1,500 kada buwan.
Ito ay sasaklolo sa pagtugon ng mga guro sa bagong paraan ng pagtuturo na tinatawag na ‘distant learning’ na ipatutupad na sa pagsisimula ng klase sa Agosto 24.
Dahil nga sa krisis na kinahaharap ng ating bansa dahil sa COVID-19, ipinagbabawal ng Department of Education (DepEd) ang face-to-face na klase.
Samakatuwid, higit na kinakailangan ng mga guro ang paggamit ng internet.
Noong wala pang pandemya, pilit na pinahihigpit na ng mga guro ang kanilang sinturon kaya, dagdag-dagok na naman sa mga guro ang pagtapyas sa kanilang badyet upang ilaan sa pagbayad ng kanilang internet services.
Ito’y lalong magbabaon sa kanila sa kumunoy ng utang dahil wala silang ibang pagpipilian kundi kumapit na naman sa pagpunta sa London- loan dito, loan doon.
Kasabay ng pagsulong ng ACT- Teachers Party-List sa Panukalang Batas 7034, sumisigaw rin ang mga guro na nawa’y maisabatas ito upang maging transportasyon nila sa pagtupad ng layunin ng DepEd na maihatid ang aralin sa mga estudyante sa kani-kanilang tahanan.
Magbibigay ngiti at kaluwagan sa ating mga guro ang pagpasa sa panukalang batas na ito.
Sa rami ng nautang ng gobyerno dahil sa pandemyang ito, maglaan dapat sila ng katiting na porsyento para rito.
-
PDu30, walang babanggitin na kahit na anumang political plans para sa 2022 sa kanyang final SONA
SINABI ng Malakanyang na walang babanggitin na kahit na anumang political plans para sa 2022 si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA). “Siguro po hindi mapapasama ang kanyang mga planong politikal,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque said. “Ang importante is the roadmap for his last […]
-
Pangatlo na ito sa kanyang collection: JILLIAN, sinorpresa ng magulang sa regalong sports car na pang-taping niya
DAHIL sa sipag ni Jillian Ward sa trabaho, sinorpresa siya ng kanyang magulang sa regalo nilang brand new BMW M-Sport na magagamit niya sa kanyang tapings. Sa Instagram Stories post ni Jillian noong Lunes, nai-share niya ang bagong sasakyan at ang pasasalamat niya sa kanyang magulang. “Thank you Mama and Papa for my […]
-
Ads October 12, 2021