• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panelo, binuweltahan ang komisyon

PINAYUHAN ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang Commission on Audit (COA) na baguhin ang istilo at huwag lumagpas sa mandatong ibinigay dito ng batas.

 

Ipinalabas kasi ng COA ang preliminary observations sa kabila ng nakabinbing full inquiry kung paano pinangasiwaan ng Department of Health (DOH) ang P67.3 billion funds na nakalaan sa pagtugon ng pamahalaan sa pandemiya.

 

Umapela si Panelo kay COA Chairman Michael Aguinaldo na baguhin kung paano kaagad na binugbog sa publisidad ang DOH at isapubliko ang “deficiencies” na nakita nito sa departamento gayong madali namang maareresolba ng ahensiya ang nasabing usapin.

 

“Michael, alam mo medyo baguhin niyo yung istilo niyo. Trabaho niyo na suriin, pangalagaan ang pera ng bayan. Tama kayo diyan. But do not go beyond yung required lang sa inyo,” ayon kay Panelo sa kanyang commentary show “Counterpoint”.

 

Batid naman ni Panelo kung paano ang “preliminary observations” ay makapagpakita ng “deficiencies and lack of paperwork,” subalit iyon aniya ay hindi makikita habang ang programa at proyekto sa nasabing ahensiya ay patuloy na ipinatutupad.

 

“Ang problema, di siyempre may mga preliminary findings, may mga nakita kayo na mali o kulang. Pero yung mali o kulang na proseso, puwedeng iwasto ‘yan kasi hindi pa naman tapos yung proyekto o yung programa. Yung pera, ginagastos pa e ,” dagdag na pahayag ni Panelo.

 

Aniya, sana’y pinairal ng COA ang “common sense” nito nang ipalabas ang preliminary observations sa publiko laaban sa DoH upang maiwasan na mabahiran ng hindi patas na pang-unawa ang departamento na ngayon ay sinasabing “guilty of corruption.”

 

“Huwag niyo na munang ilalabas sa publiko. Kanino n’yo ilalabas? Ilabas niyo dun sa taong iniimbestigahan. That’s common sense, Michael,” anito.

 

Samantala, binuweltahan naman ni Panelo ang mga mambabatas na walag humpay na binatikos ang DOH sa kabiguan nito na itaboy ang Covid-19 infections.

 

“Yung World Health Organization, makailang ulit na napuri itong pamahalaan sa tama at wasto na pagtugon sa suriliranin ng coronavirus. E bakit ngayon sasabihin mo na palitan? Think, think, think. Ikaw mag think, think, think for a change,” aniya pa rin.

 

Noong nakaraang buwan, pinuri naman ni WHO representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasignhe ang ginagawang pamamahala ng Pilipinas sa Covid-19 pandemic sa gitna ng paglitaw ng mas maraming infectious Delta variant.

 

“The number of people who have succumbed to this virus in the country is comparatively lower than many other countries which were thought to have higher capacity and higher resource access. From that perspective…it appears that the Philippines has done a good job,” ani  Abeyasignhe. (Daris Jose)

Other News
  • NCR , nasa ilalim na ng alert level 2

    SIMULA Nobyembre 5 ay nasa Alert Level 2 na ang Kalakhang Maynila.   Ito’y matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang “de-escalation” ng National Capital Region (NCR) sa Alert Level 2.   Magiging epektibo ito mula Nobyembre 5 hanggang Nobyembre 21, 2021.   Bukod dito, inaprubahan din ng IATF ang rekomendasyon ng sub-Technical Working […]

  • 30M Pinoys, makikinabang mula sa 6-year housing program

    TINATAYANG 30 milyong Filipinos ang inaasahang makikinabang sa 6-year housing program ng administrasyong Marcos sa 2028.       Tinukoy ang  year-end report ng administrasyon, sinabi ng  Office of the Press Secretary (OPS) na ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino program ng  Department of Human Settlements and Urban Development’s (DHSUD) ay nakikitang mapakikinabangan ng   30 […]

  • Binalikan ang ‘yatch date’ na promo ng movie: SAM, ‘di nagkamali sa pagsasabi noon na sisikat si ALDEN

    SAKSI kami sa naging yacht date noon nila Alden Richards at Sam Pinto.     Nangyari iyon noong 2011 at magkasama sina Alden at Sam sa pelikulang ‘Tween Academy: Class of 2012’ ng GMA Films.     Nabanggit kasi sa isang interview ni Alden na isa sa crushes niya during that time ay si Sam […]