3 CHINESE NATIONAL, INARESTO SA PANUNUTOK NG BARIL
- Published on August 21, 2021
- by @peoplesbalita
ARESTADO ang tatlong Chinese national matapos mambugbog at nanutok ng baril sa isang tricycle driver sa Binondo, Maynila
Kinilala ang mga naaresto na sina Jialuo Yan, Jimmy Dy, Benson Tan.
Sa ulat ng Manila police District (MPD), kapwa nakainom ang mga suspek nang matyempuhan ng mga operatiba na binubugbog ang mga biktimang si Edgardo Perez at Domingo Buela sa kahabaan ng Sabino Padilla St. malapit sa kanto ng Ongpin St., Binondo, Maynila
Bukod dito, nanutok pa ng baril si Tan sa mga biktima habang hawak naman ni Yan ang isang gunting .
Binangga pa umano ng minamanehong Mercedenz Benz ni Dy ang tricycle ni Buela dahilan para masugatan ang biktima.
Nakuha sa mga suspek ang FNX-45 Firearms na may sampung bala gayundin nakumpiska rin ang dalawa pang magazine na may lamang 10 at 8 bala.
Ang mga naarestong Chinese na nahaharap sa patung-patong na kaso ay itinurn-over na sa General Assignment and Investigation (GAIS) ng MPD-PS 11. GENE ADSUARA
-
NABAKUNAHAN SA COVID, WALANG NARAMDAMANG ADVERSE EFFECT
WALANG naramdamang anumang adverse effects ang ilang mga opisyal ng gobyerno at mga doktor ng Philippine General Hospital (PGH) na nabakunahan ng Sinovac vaccine kahapon ng umaga sa naturang ospital. Ito ang pahayag nina PGH Dir. Dr. Gap Legaspi, Food and Drug Administration (FDA) Dir. Gen. Eric Domingo at MMDA Chairman Benhur Abalos, makaraang […]
-
Ads September 4, 2023
-
Sa kanyang first movie na musical pa: CASSY, aminadong sobrang na-challenge sa mabibigat na eksena
SI Cassy Legaspi na gumanap bilang si Ingrid, na biktima ng sexual harassment ng kanyang male teacher sa ‘Ako Si Ninoy’, ang pelikula ni direk Vince Tañada na mula sa Philstagers Films. Tinanong namin si Cassy kung ano ang masasabi niya na sa maagang stage ng kanyang career at una niyang pelikula ay […]