PTFoMS, hiniling sa PNP na imbestigahang mabuti ang pagpatay sa dating journalist na si Gwenn Salamida
- Published on August 21, 2021
- by @peoplesbalita
HINILING ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa Philippine National Police (PNP) na masusing imbestigahan ang pagpatay sa dating journalist Gwenn Salamida nitong nakaraang araw ng Martes.
Sinabi ni PTFoMS Executive Director Undersecretary Joel Sy Egco, na bagama’t walang kinalaman o kaugnayan ang motibo ng pagpatay kay Salamida sa kanyang dating journalism career, kailangan pa rin na lumabas ang katotohanan para sa kapakanan ng kanyang pamilya kabilang na ang dalawa nitong anak na babae.
Si Salamida ay 41 taong gulang na sana matapos ang krimen.
“This is personal, Gwenn is a good friend and a former colleague. Those who are behind this cowardly act picked the wrong victim and they will pay dearly for it. We have already directed law enforcement agencies to use all available resources to hunt down and bring to justice the perpetrators of this heinous crime,” ayon kay Egco.
Sa ulat, binaril at napatay ng holdaper ang isang dating mamamahayag at may-ari na ngayon ng salon sa Quezon City.
Ayon sa Quezon City Criminal Investigation and Detection Unit, pinasok ng salarin ang salon na pag-aari ni Salamida sa Barangay Apolonio Samson dakong 3:00 pm.
Nanlaban umano si Salamida at binaril ng salarin.
Isang kasamahan din ni Salamida ang nasugatan.
Tumakas ang salarin sakay ng motorsiklo, at inaalam pa kung may natangay siya mula sa biktima.
Napag-alaman na dating editor ng Remate si Salamida, at nagtrabaho rin sa isa pang tabloid.
Samantala, habang papalapit na ang election season, pinaalalahanan ni Egco ang kasalukuyan at dating miyembo ng media na mag-ingat dahil maaari silang maging target ng kanilang mga kaaway sa press freedom.
“Historically, there is a spike in election-related violence committed against journalists and other media workers as the election heats up,”ayon kay Egco. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Bagong Pilipinas mobile clinics, gagamitin sa mga isolated areas -PBBM
MAGDADALA ng 28 state-of-the-art Bagong Pilipinas mobile clinics ng agaran at high-quality healthcare services sa geographically isolated at disadvantaged areas (GIDAs) sa buong bansa. Sa katunayan, pinangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos ang turnover ceremony ng 28 Bagong Pilipinas mobile clinics sa Manila North Harbor Port sa […]
-
‘Pacquiao-Crawford megabout posible sa 2021’ – Arum
Tiwala si Top Rank CEO Bob Arum na mangyayari na sa susunod na taon ang nilulutong bakbakan sa pagitan nina Sen. Manny Pacquiao at American superstar Terence Crawford. http://peoplesbalita.com/wp-content/uploads/2020/11/Crawfordthumb.jpg Ayon kay Arum, nais nilang makipag-usap muli sa kampo ni Pacquiao kasunod ng technical knockout win ng kanyang alagang si Crawford sa naging laban nito kontra […]
-
Baryang nakolekta ng BSP sa coin deposit machines, higit P115 milyon na!
UMAABOT na sa mahigit P115 milyon ang halaga ng mga barya na nakolekta ng kanilang mga coin deposit machines (CoDMs). Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), hanggang noong Oktubre 6, aabot sa lagpas 44 milyong mga barya ang naideposito sa mga CoDMs. Pumalo naman sa 42,386 ang dami ng mga […]