• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DAYUHAN NA MAY EMPLOYEER SA BANSA, PAPAYAGAN NA

INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng mga dayuhan na kasalukuyang nasa kanilang bansa na tinanggap na magtrabaho dito sa Pilipinas ng kanilang employeer ay papayagan nang mag-pre-apply ng kanilang work visa bago pumasok ng bansa.

 

Ito ang sinabi ni  Immigration Commissioner Jaime Morente kung saan nag-isyu siya ng operation order na pinapayagan ang kanilang kumpanya na gustong kunin ang serbisyo ng isang dayuhan pero nasa kanilang bansa pa rin na mag-apply ng working visa para sa kanila.

 

Ang nasabing hakbang ng ahensiya ay batay sa resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na pinapayagan na mag-isyu ng working visa sa mga dayuhan na gustong magtrabaho sa bansa subalit kinakailangang may Philippine-based employer sila.

 

Ayon pa s IATF, ang isang visa ay maari din ma-isyu sa isang dayauhang mag karunungang magtrabaho sa isang foreign-funded government projects  kabilang dito ang transportation at infrastructure.

 

Paliwanang ni Morente na sa kasalukuyang, tanging ang isang dayuhan na andito nasa bansa ay ang pinapayanag isyuhan ng visa ng BI.

 

“With the promulgation of this new policy, would-be expatriates bound for the Philippines will be able to apply for their working visas, which they would present when they enter the country,” ayon sa  the BI chief.

 

Ipanaliwanang pa rin ni Morente sa kaso ng isang dayuhan na nauna nang insyuhan ng kanilang visa, ang employeer ng nasbaing dayuhan ay maari pa ring mag-apply ng alien employment permit (AEP) para sa kanila sa Department of Labor and Employment (DOLE).

 

“Those who fail to secure their AEP will not qualify for the issuance of a 9(g) visa and the petition for visa issuance by their employers will be denied by the bureau outright,” ayon pa sa BI Chief. GENE ADSUARA

 

Other News
  • 3 LRT 2 stations na nasunog malapit ng buksan

    Ang tatlong (3) Light Rail Transit 2 (LRT2) stations na nasunog noong 2019 at nahinto ang operasyon ay mabubuksan na sa first quarter ng taon.   Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na ang Anonas, Katipunan, at Santolan stations ay muling mabubuksan ang operasyon sa unang quarter ng taon.   Ang nasabing tatlong stations ay […]

  • SSS, nag-alok ng calamity loan, 3-month advance pension para sa mga miyembro

    BUBUKSAN ng Social Security System (SSS) ang dalawa nitong programa na naglalayong i-extend ang  financial assistance sa kanilang mga  miyembro at pensiyonado sa mga lugar na naapektuhan ng Super Typhoon Karding.     Ang dalawang programang ito ani SSS president and CEO Michael Regino ay ang  Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa mga miyembro […]

  • Atas ng DSWD sa mga regional director: Bilisan ang pagpapalabas ng food packs

    SINABIHAN ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang mga regional director na bilisan ang pamamahagi ng  relief packs sa mga lugar na apektado ng kamakailan lamang na bagyo at Habagat.      Ani Gatchalian, nagpalabas ang  National Resource Operations Center (NROC) ng libo-libong kahon ng family food packs (FFPs) sa […]