MAVY at CASSY, secure na ang future dahil maayos na na-invest ang kinita simula noong bata pa
- Published on August 21, 2021
- by @peoplesbalita
NAG-POST ng isang topless photo ang Kapuso actress na si Kim Rodriguez sa Instagram noong sunmapit ang 27th birthday niya.
May suot naman pantalon si Kim at bahagyang tinakpan niya ang kanyang malusog na dibdib.
Caption pa niya: “Be brave enough and always dare to try new things, as life becomes boring when you stay in your comfort zone. Thankful for another year. I am incredibly fortunate to be with my family and friends through this uncertainty and I am grateful to have overcome the difficulties.
“Also, thank God for giving me such a beautiful life. To GMA, friends, fans, etc., I am truly blessed to have you. Thank you and I love you guys!”
Thankful nga si Kim na kahit may pandemic ay nabibigyan siya ng trabaho kaya tuloy lang ang takbo ng kanyang career.
May fitness goals din si Kim kaya naman ang pinaka-workout niya ay ang mag-cycling. Nasubuykan na raw niyang mabisikleta ng 33 kilometers for three hours mula sa kanyang bahay.
Bukod sa cycling, na-enjoy din ni Kim ang hiking sa bundok ng Rizal.
***
KAHIT na hindi magtrabaho sa showbiz ang kambal nila Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy Legaspi, secure na ang future nila dahil nailagay sa maayos na investment ang kinita nila simula noong gumawa sila ng maraming TV commercials.
Sa real estate naka-invest ang pera nila Mavy at Cassy dahil ang presyo ng lupa ay tumataas sa pagdaan ng maraming taon.
“Mavy and I have been doing commercials since we were three years old, so growing up, our parents decided na it’s best if we invest on land,” sey ni Cassy.
Sey naman ni Mavy: “We trust our parents as to where they would invest our money. Sila ang mas nakakaalam kung ano ang best for me and Cassy.”
Sa paggastos daw, may freedom na gamitin ng kambal ang kanilang kinitang pera mula sa kanilang tapings, guestings at ibang endorsements.
“We can buy what we want as long as we know that we really deserve it. Pero we’re careful pa rin not to overspend. Yung tama lang at yung kailangan lang,” diin ni Mavy.
Four years ng Kapuso sina Mavy at Cassy kaya nag-renew ulit sila with GMA Artist Center.
***
PAGKATAPOS na i-announce ni Colin Jost na magkaka-baby na sila ng Black Widow star na si Scarlett Johansson, sinilang na ng aktres ang kanilang baby boy noong nakaraang August 18.
Post ni Colin sa Instagram: “Ok ok we had a baby. His name is Cosmo. We love him very much.”
Maingat palang tinago ni Scarlett ang kanyang pagbubuntis. Unang nabalitang pregnant siya noong nakaraang July, pero wala siyang nilabas na official statement tungkol sa naturang issue.
Ayon sa Page Six: “When Scarlett got pregnant, she and Colin kept very quiet about it. She has been keeping a very low profile.”
In-announce lang ni Colin na buntis si Scarlett noong nakaraang weekend, ilang araw bago ito manganak.
Ito ang second child ni Scarlett. May 6-year-old daughter siya named Rose from ex-husband Romain Dauriac.
Si Colin ang third husband ng aktres. Una siyang kinasal sa aktor na si Ryan Reynolds from 2008 to 2011 at sumunod ang journalist na si Dauriac from 2014 to 2017.
(RUEL J. MENDOZA)
-
China envoy, masaya dahil mapayapang nakapangingisda ang mga mangingisdang Pinoy, tsino sa South China Sea at West Philippine Sea
SINABI ni Chinese Ambassador Huang Xilian na masaya siya na magkasundo na nangingisda mga mangingisdang Filipino at intsik sa South China Sea at West Philippine Sea. Sa lingguhang Pandesal forum, tinanong si Huang kung ano ang gagawin ng Chinese government para mapahusay ang situwasyon ng mga filipinong mangingisda sa pinagtatalunang lugar sa South […]
-
Meeting ni Sy sa PBA officials, mahiwaga
Tikom ang bibig ni Blackwater team owner Dioceldo Sy sa detalye ng kanilang meeting ni Philippine Basketball Association (PBA) commissioner Willie Marcial. Tanging sinabi lang ni Sy ay “satisfied” ito matapos humingi ng paumanhin sa kanyang nasabi noong isang Linggo matapos silang (Blackwater Elite) patawan ng parusa at multa ng PBA dahil sa pag-eensayo. […]
-
Kiamco sinargo ika-4 na titulo sa Louisiana
SINAKOP ng mga Pilipino ang unang tatlong puwesto sa katatapos na 6th Annual Buffalo’s Pro Classic Open 9-Ball Billiard sa Jefferson, Louisiana, USA. Naghari si Warren Kiamco nang manaig kay Roland Garcia sa all-Pinoy finals upang ibulsa ang $4,500. Kumita si Garcia ng $2,300 habang ang tumerserong si Carlo Biado may $1,200. […]