JOHN LLOYD , tuloy na tuloy na ang paggawa ng sitcom ayon kay WILLIE, leading lady hindi pa malinaw
- Published on August 23, 2021
- by @peoplesbalita
MAY season break ang GMA Telebabad romantic-drama series na The World Between Us nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez.
Kaya this week mapapanood ang last 5 EPIC episodes, August 23-27, after 24 Oras sa GMA-7.
Maraming maiiwanang katanungan sa mga televiewers, sa pagbabalik ng serye, magiging happy ending na ba para kina Louie (Alden) at Lia (Jasmine)? Ano ang magiging twist ng story ngayong alam na ni Brian na hindi pala siya tunay na anak ni Rachel (Dina Bonnevie)?
Paano muling bubuuin ni Louie ang kanyang sarili after ng break-up nila ni Lia? Aamin ba ang tunay na ina ni Brian, dahil hindi rin alam ni Rachel kung sino ang tunay na ina nito matapos iuwi ng namatay niyang asawa ang bata sa kanila na lumaking ang alam ay anak siya ni Rachel at magkapatid sila ni Lia?
Muling papasok sa lock-in taping ang serye kapag pwede na muling mag-taping sa NCR.
***
BALIK-Fantine sa Les Miserables ang Filipino international stage actress na si Rachelle Ann Go-Spies.
Muli niyang gagampanan ang role ni Fantine sa stage play na pinost niya sa kanyang Instagram ang confirmation sa muling pagbabalik sa London’s West End ng Les Miserables.
“I wasn’t able to finish my run last year… so I’m really excited to do Les Miz Concert on my birthday! What a treat! I’m performing from August 31st (her birthday), to September 4th. I hope Lukas won’t mind. PS: I need to start vocalizing & most importantly ‘pump’ for Lukas.”
Rachelle Ann gave birth to their baby Lukas ng husband niyang si Mark Spies last March 26, kaya after five months back to work na siya.
Sinimulan ni Rachelle gampanan ang role ni Fantine simula noong 2015, sa West End, London, United Kingdom, at nahinto ito last year dahil sa pandemic.
Repost naman ng @lesmizofficial: From 31 Aug. @gorachelleann will once again dream the dream as Fantine for SIX SHOWS ONLY.
***
NAG-ANNOUNCE muli si Wowowin: Tutok to Win host Willie Revillame last Friday, na tuloy na tuloy na ang paggawa ng sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA Network.
Ayon pa kay Willie, nagkaroon na ng brainstorming si Direk Edgar Mortiz sa writer ng sitcom. Makakasama raw ni JLC ay mga Kapuso artists, pero hindi pa niya sinabi kung sino ang magiging leading lady ng actor.
Unang nabalita na si Andrea Torres ang makakatambal ni JLC, excited man si Andrea dahil isa ito sa hinahangaan niyang actor, pero hindi siya makapag-comment dahil wala pa raw namang sinasabi sa kanya ang Kapuso Network.
Dagdag pa ni Willie ay magkakaroon pa siya ng ibang shows na ipu-produce sa GMA.
Patuloy pa ngang mula sa beach resort niya sa Puerto Galera, Oriental Mindoro, ang live presentation ng Wowowin: Tutok To Win, kasama ang buong staff ng show at si Direk Randy Santiago. At habang naka-break sila ng show ng Saturday at Sunday, ginugugol ni Willlie at ng mga kasama niya ang pagbisita sa mga Mangyan doon at mga mangingisdang nawalan ng trabaho at pagkabuhay dahil sa pandemic, at namimigay sila ng mga pangangailangan ng mga ito.
(NORA V. CALDERON)
-
NAVOTAS, DOST, TUP LUMAGDA SA MOA SA PAGPAPAHUSAY SA SOLID WASTE MANAGEMENT
LUMAGDA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, sa pakikipagtulungan ng Brgy. NBBS Dagat-dagatan, Department of Science and Technology (DOST), at Technological University of the Philippines (TUP), sa isang memorandum of agreement na naglalayong pahusayin ang solid waste management sa urban waterways sa pamamagitan ng deployment ng Aqua Trash Collector Bot (AQUABOT). Ang AQUABOT, […]
-
P18 bilyong piso, nawawala kada araw – Malakanyang
HINDI na naitago pa ng Malakanyang ang kaakibat na hindi magandang epekto kung patatagalin pa ang modified enhanced community quarantine (MECQ) lalo na sa National Capital Region. Ito’y sa kabila ng wala pa namang pasiya sa kung ano ang susunod na quarantine protocol na ipatutupad sa Agosto 18. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, […]
-
Panukalang suspensyon ng TRAIN Law excise tax sa langis pinamamadali sa Kamara
Nanawagan ang Gabriela Party-list sa Kamara na madaliin ang panukalang suspensyon ng TRAIN Law excise tax. Ayon kay Rep. Arlene Brosas, hindi naman kasi sapat ang mga rollbacks sa produktong petrolyo at nagbabadya pa ang panibagong sirit sa presyo ng langis. Nakikita niyang magiging malaking alwan sa mga motorisata at consumers […]