• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P18 bilyong piso, nawawala kada araw – Malakanyang

HINDI na naitago pa ng Malakanyang ang kaakibat na hindi magandang epekto kung patatagalin pa ang modified enhanced community quarantine (MECQ) lalo na sa National Capital Region.

Ito’y sa kabila ng wala pa namang pasiya sa kung ano ang susunod na quarantine protocol na ipatutupad sa Agosto 18.

 

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, dito pa lamang sa Metro Manila kasi ay nasa P18 bilyong piso na ang nawawala sa kada araw dahil sa MECQ.

Bagama’t mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nagsabing ang pinakamabisang paraan para mapababa ang numero ng virus ay patagalin ang MECQ o kaya ang ECQ, hindi na aniya talaga kakayanin pa ito ng ekonomiya.

Bukod aniya sa wala nang mapagkukunan pa ng ayuda ay baka naman mamatay na ang mga tao kung hindi maghahanap buhay sakalit tumagal pa ang MECQ.

“Kung ang tao naman ay hindi makakapagtrabaho, baka mamatay dahil sa kawalan ng hanapbuhay. So, unless si Dr. Leachon po ay pupuwedeng magbigay ng ayuda sa lahat ng nais niya na mapasailalim pa sa MECQ ng dalawang linggo, eh hindi na po talaga kakayanin,” ayon kay Sec. Roque.

Sa ilalim kasi ng MECQ ay limitado pa din ang pagbubukas ng komersiyo habang tigil din ang operasyon ng pampublikong transportasyon na ang tinatamaan ay mga tsuper ng jeep.

Giit ni Sec. Roque, kailangang magtrabaho para mabuhay na siya namang ginagawa na rin ng iba pang mga bansa.

“Kaya nga po ang mensahe po ng ating Presidente, matagal pa po itong COVID, iyan na po ang sinasabi ng WHO, kinakailangan po mabuhay tayo despite and in spite of COVID,” ani Sec. Roque.

” Kinakailangang ingatan po natin ang ating buhay para po tayo ay makapaghanapbuhay. Kaya po nating gawin iyan at ginagawa naman po iyan ng buong daigdig. At hindi lang naman po Pilipinas ang nagkaroon ng surge, 70% po ng mga bansa sa buong daigdig ay nagkaroon ng surge; 70% ng buong daigdig, lumalaban, pinu-pursue po ang pang-araw-araw na buhay nila despite and in spite of COVID,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • Plano na church wedding ‘di muna matutuloy… LUIS at JESSY, parang kinasal muli sa naisip na ‘preggy reveal’

    MARAMING masaya sa announcement ng mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano.   Finally, magkaka-baby na sila!   Ang bongga rin ng naisip na concept na baby or preggy reveal nina Jessy at Luis na ipinalabas nila sa Youtube channel ni Jessy. Para lang silang ikinasal muli with Jessy wearing a white gown at si Luis […]

  • Galvez nag-sorry sa mga ‘lapses’ sa protocols sa dolomite beach

    Humingi ng paumanhin sa publiko si National Task Force Against COVID-19 (NTF) chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa pagdagsa ng maraming tao sa dolomite beach sa Manila Bay.     Pinangangambahan kasi ng ilang health experts na maging super spreader event ang pagpunta ng libu-libong katao sa white sand area ng Manila […]

  • SC, natanggap na ang ika-2 petisyon sa hiling na TRO sa vote canvassing at proklamasyon kay Marcos

    NATANGGAP na ng Korte Suprema ang ikalawang petisyon na humihiling para sa temporary restraining order (TRO) sa canvassing ng Kongreso sa mga boto at proklamasyon bilang pangulo kay Bongbong Marcos.     Sa 75 pahinang petisyon ng grupo, hinihimok din ang SC na ideklara ang kandidato na may pinakamaraming votes na si VP Maria Leonor […]