NCR ayuda distribution, pumalo na sa 70.29% – Año
- Published on August 24, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na naipamahagi na ang P7.9 bilyong piso mula sa P11.25 bilyong pisong ayuda para sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) recipients sa National Capital Region (NCR).
Ani Año, ang naipamahaging ayuda ay may katumbas na 70.29% ng ayuda allocation sa low-income individuals sa Kalakhang Maynila.
Ang Kalakhang Maynila ay inilagay sa ilalm ng ECQ, itinuturing na “strictest health protocol”, mula Agosto 6 hanggang 20 para mapabagal ang paghawa ng coronavirus disease-2019 (COVID-19) Delta variant na sinasabing mapanganib na kumalat sa buong bansa sa mga nakalipas na linggo.
Dahil sa economic concerns, ang Kalakhang Maynila ay kalaunang inilagay sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula Agosto 21 hanggang 31 gaya ng Laguna habang ang Bataan naman ay nasa ilalim din ng kahalintulad na restriksyon mula Agosto 23 hanggang 31.
Sa kabilang dako, sinabi pa ng Kalihim na hanggang ngayon ay wala pa ring update ukol sa ayuda distribution sa Bataan at Laguna na isinailalim din sa ECQ noong nakalipas na 2 linggo.
Ang bawat low-income individual sa ECQ hit areas ng NCR, Bataan at Laguna ay binigyan ng P1,000 cash aid habang maximum financial assistance naman na P4,000 sa bawat pamilya.
Ngayon naman at nasa ilalim na ng MECQ ang NCR, Bataan at Laguna ay marami pa ring mahihirap na pamilyang filipino ang nananawagan sa pamahalaan na magbigay ng karagdagang ayuda lalo pa’t hndi naman lahat ng negosyo ay nagbugs.
Tikom naman ang bibig ni Año kung ibibigay pa rin ang ayuda sa mga qualified recipients sa MECQ areas lalo pa’t operational na ang ilang negosyo. (Daris Jose)
-
5 puganteng dayuhan, inaresto ng BI
LIMA pang mga puganteng dayuhan ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI) at nakatakdang ibalik sa kanilang bansa upang harapin ang kanilang mga kaso. Sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na kabilang sa mga inaresto ay isang American, isang Chinese, isang Taiwanese at dalawang Koreano sa magkakahiwaay na operasyon ng BI fugitive […]
-
11 sangkot sa Dacera case, pipigain ng NBI
Isasalang ngayong araw sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation ang 11 personalidad na isinasangkot sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera sa isang hotel sa Makati City. Ito ay makaraang matukoy ng NBI ang pagkakakilanlan sa 11 katao na pinadalhan na nila ng subpoena, na huling nakasama ni Dacera […]
-
Marian, takot pa ring lumabas ng bahay dahil sa mga anak
INAMIN ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa interview sa kanya ng 24 Oras, na takot pa rin siyang lumabas ng bahay dahil sa pandemya, kaya work from home na lamang muna siya. Kaya thankful si Marian sa GMA Network na pinayagan siyang sa bahay lamang nila siya mag-shoot ng mga spiels niya para […]