• June 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

11 sangkot sa Dacera case, pipigain ng NBI

Isasalang ngayong araw sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation ang 11 personalidad na isinasangkot sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera sa isang hotel sa Makati City.

 

Ito ay makaraang matukoy ng NBI ang pagkakakilanlan sa 11 katao na pinadalhan na nila ng subpoena, na huling nakasama ni Dacera at maging ang mga tumuloy sa Room 2207 ng City Garden Grand Hotel.

 

Sinabi ni NBI spokesman Dep. Director Ferdinand Lavin, na bibigyan nila ng pagkakataon ang mga ipinatawag na indibiduwal na ibigay ang panig sa kaso ni Dacera na natagpuang patay sa bathtub ng hotel noong New Year’s Day matapos ang kanilang inuman at kasiyahan.“Kung gusto niyong makipagtulungan sa NBI, meron kayong kaalaman, you want to clear your names, you can come here with your lawyers. We rest assure you that we will handle the investigation as professionally as we could get,” ayon kay Lavin.

 

Tumanggi naman ang NBI na ibigay ang pagkakakilanlan sa naturang mga indibiduwal para maiwasan na mahusgahan agad ng publiko lalo na sa social media.

 

Inaasahan na magtutungo sa NBI ang mga ipinatawag na personalidad para ibigay ang kanilang testimonya at bersyon ng kanilang istorya kung ano ang tunay na nangyari bago natagpuang wala nang buhay si Dacera sa kanilang ginawang New Year’s party. (ARA ROMERO)

Other News
  • Lockdown sa PSC, RMSC, Philsports

    PARA masiguro na mapigilan ang paglaganap ng Novel Cornavirus Disease (COVID- 19), minabuti ng Philippine Sports Commission (PSC) na pansamantalang isasara ang tanggapan sa Maynila at Pasig upang isailalim sa sanitation ngayong araw (Biyernes, Marso 13).   Walang pasok ang mga empleyado at pansamantalang hindi muna ipagagamit sa publiko ang mga sports facilities sa Rizal […]

  • LTO muling magbibigay ng driver’s license na plastic cards

    MAGSISIMULA nang muling magbigay ng plastic cards na driver’s license ang Land Transportation Office (LTO) matapos ang ilang buwan na kumpirmahin ang kakulangan ng plastic cards.       Matatandaan na nagdesisyon ang LTO na magbigay muna ng temporary licenses na nakalagay lamang sa isang papel.       “We have enough numbers of plastic […]

  • Booster shots para sa priority groups, maaaring simulan sa Nobyembre

    TARGET ng National Task Force (NTF) Against Covid-19 na simulan sa Nobyembre ang pagbabakuna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccine booster shots sa priority sectors.   Inaprubahan na kasi ng Department of Health (DOH) ang probisyon ng booster shots sa mga fully vaccinated health care workers (A1), na unang nakatanggap ng bakuna noong Marso.   […]