Mexican pinatulog ni Magsayo sa 10th round
- Published on August 24, 2021
- by @peoplesbalita
Nagpasiklab din si Pinoy champion Mark Magsayo nang angkinin nito ang matikas na 10th round knockout win kay Mexican fighter Julio Ceja kahapon sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.
Inilatag ni Magsayo ang solidong right shot na kumunekta sa panga ni Ceja para matamis na makuha ang knockout win.
“Tumutok ako sa straight punches. Kada round yun ang ginagawa ko. Nung nakita ko na nasaktan ko na siya, hindi na ako tumigil,” ani Magsayo.
Umingay ng husto ang buong T-Mobile Arena dahil sa malalakas na hiyawan ng mga Pinoy fans na personal na nakapanood ng laban bitbit ang kani-kanyang bandila ng Pilipinas.
Napanatili ni Magsayo ang World Boxing Council-Asian Boxing Council featherweight title gayundin ang malinis na rekord ng Pinoy champion tangan ang 23-0 marka kabilang ang 16 knockouts. Nahulog naman si Ceja sa 32-5-1 baraha.
-
Bob Marley’s legacy lives on in “Bob Marley: One Love”
Bob Marley has always felt the power of his music and its capacity to unite people, and Bob Marley: One Love’s aims to capture the immense scope of the icon, and a side of Bob Marley that few have ever seen. “Bob carried the weight of the world on his shoulders to bring one love […]
-
Pagbagsak ng katawan ni ALDEN, inalmahan ng fans dahil nagmukhang matanda
NAG–WORRY ang mga fans ni Alden Richards sa recent photo na pinost niya habang nasa gym dahil kitang parang bumagsak ang kanyang katawan at hindi raw bagay dito ang ganoong kapayat. Comment ng mga fans, hindi raw sila nasanay na makitang ganoon siya, at nagmukhang matanda sa picture. Wala raw naman dapat […]
-
LJ, humihingi ng prayers para sa kanila nina AKI at SUMMER; isyu sa kanila ni PAOLO gusto nang tapusin
NAKA-SCHEDULE na ang airing ng bagong drama series na To Have And To Hold nina Max Collins, Rocco Nacino at Carla Abellana sa September 27, kaya naman masayang-masaya ang cast dahil nakalabas na sila sa lock-in taping nila mula sa Bataan. Post ni Max, makakasama na raw niya ang anak nila ni Pancho […]