• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Digital COVID-19 vaccine IDs sa NCR handa na Setyembre 1 – Abalos

Handa na pagsapit ng unang araw ng Setyembre ngayong taon ang digital COVID-19 vaccine certificates o IDs para sa National Capital Region, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos.

 

 

Kinukolekta na kasi aniya ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang lahat ng datos hinggil sa COVID-19 vaccination sa NCR.

 

 

Nauna nang sinabi ng DICT na sa Setyembre nga ilulunsad ang digital COVID-19 vaccine certificate portal.

 

 

Ayon kay DICT Undersecretary Emmanuel Caintic, nakikipag-ugnayan ang kagawaran sa Department of Health para ilunsad ang “VaxCertPH” sa unang linggo mismo ng Setyembre.

 

 

Sinabi ni Abalos na nakiusap siya kay Caintic para sa pagkakaroon ng feature kung saan maaring i-check ng LGUs sa NCR kung ang isang tao ay naturukan na ng COVID-19 vaccine doses mula sa iba’t ibang LGUs para maiwasan na madoble ang pagtuturok sa kanila ng bakuna.

 

 

Kaugnay nito, muling nagbabala ang chairman ng MMDA sa mga kumukuha ng booster shots sa iba’t ibang LGUs.

 

 

Ang mga mahuhuling gumagawa nito ay tiyak na makukulong, ayon kay Abalos.

Other News
  • PAG-APIR, AUTOGRAPH NG NBA PLAYERS BAWAL MUNA

    PINAYUHAN ng NBA ang mga player ng liga na iwasan muna ang pag-apir sa fans at pag-autograph sa mga item ng fans para sa kaligtasan ng bawat isa mula sa coronavirus outbreak.   Naglahad ng 10 rekomendasyon ang NBA para matiyak na ang kanilang manlalaro ay hindi mahahawa sa COVID-19 at kabilang dito ang pag-iwas […]

  • Netizens, nilait-lait ang logo ng newest free TV network: WILLIE, pumirma na ng kontrata kaya tuloy na ang pag-ere ng AMBS 2

    TULOY na tuloy at wala nang urungan ang operasyon ng Advanced Media Broadcasting Systems o AMBS Channel 2 na pag-aari ng pamilya ni Manny Villar.     Ang AMBS 2 ang newest free TV network sa bansa na ang frequency ay dating pag-aari ng ABS-CBN.     At isa nga sa aaabangan ang pagbabalik ng […]

  • MMDA: 117 pedestrians, namatay noong 2019

    MAY 117 na pedestrians ang naitalang namatay noong 2019 ayon sa report ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung saan sila ay tinatawag na “most vulnerable road users.”   Ayon sa datos ng MMDA sa ilalim ng Metro Manila Accident Reporting and Analysis System, noong 2018 ay mayroong 141 na pedestrians ang nasawi at 167 […]