LTFRB walang operasyon, 20 empleyado may COVID
- Published on August 25, 2021
- by @peoplesbalita
Suspendido muna ang operasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Quezon City ngayon may pinatutupad na modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ayon sa LTFRB maliban sa restrictions sa ilalim ng MECQ nalaman rin na may 20 empleyado sa central office nito ang nagpositibo sa COVID.
Ganon pa man, ang LTFRB ay patuloy na tatangap ng online transactions para sa mga correction ng typographical errors, confirmation ng units para sa franchise, verification, pagbibigay ng provisional authority, kasama na rin ang tungkol sa Information System Management at Public Utility Vehicle Modernization Program.
“The LTFRB has a limited capacity during MECQ, but will continue servicing the public,” ayon sa ahenisya.
Dagdag pa ng LTFRB na patuloy pa rin magkakaron ng online hearings ayon sa nakatakdang schedule habang ang 24/7 the assistance hotline ay mananatiling bukas pa rin.
Sa ngayon ang LTFRB ay nagpapatupad ng mahigpit na health protocols para sa mga stakeholders at empleyado nito.
Habang ang Land Transportation Office (LTO) naman ay nagbukas na ng kanilang mga tangapan sa Metro Manila, Laguna at Bataan simula noong nakaraang Lunes. Subalit magkakaron lamang sila ng ng 50 percent capacity.
“We remind the public to follow COVID-19 protocols to prevent the transmission of the virus and to allow transactions to continue,” ayon naman sa LTO.
Samantala, inihayag naman ng Department of Transportation (DOTr) na walang mababago sa kapasidad ng mga pampublikong transportasyon sa National Capital Region (NCR) ganon din sa Bataan at Laguna kung saan ito ay mananatiling 50 percent lamang sa ilalim ng MECQ.
Nilinaw din ng DOTr na ang mga authorized persons outside residence (APORs) na siyang kinilala ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang siyang papayagan na gumamit ng mga transport services.
“Just like during the ECQ period, there will be stricter enforcement of safety measures to ensure that only APORs are permitted to use public transport, as mandated by IATF,” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade.
Ang mga public utility buses at jeepneys ay patuloy na magkakaron ng operasyon na ang kapasidad ay 50 percent at kinakailangan na may one-seat-apart at dapat ay walang nakatayong pasahero at isang pasahero lamang ang pinapayagan na umupo sa hanay ng driver.
Pinapayagan rin ang taxi services at transport network vehicle service samantalang ang mga tricycles ay kinakailangan naman na isa lamang ang sakay.
Patuloy rin ang operasyon ng mga rail lines ngayon panahon ng MECQ kung saan magkakaron ng mga marshals upang makilala ang mga APORs at para magpatupad ng rin ng health at safety protocols.
“Domestic flights and sea travel in the NCR will also continue during MECQ, subject to community quarantine restrictions of the passenger’s destination,” saad ng DOTr. LASACMAR
-
Ads July 15, 2024
-
Hotshots ikakasa ang bonus vs Bolts
ISANG panalo na lang ang kailangan ng nangungunang Magnolia para makapasok sa Top Four sa quarterfinals ng PBA Governors’ Cup. Sasagupain ng Hotshots ang Meralco Bolts ngayong alas-6 ng gabi matapos ang banggaan ng NorthPort Batang Pier at Blackwater Bossing sa alas-3 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum. Kasalukuyang pinamumunuan ng […]
-
“The melody that fills my heart with joy…” MARIAN, pinaiyak ni DINGDONG sa sweet birthday message
PINAIYAK pala ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang wife niyang si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ng beautiful words ng kanyang pagbati nang mag-celebrate ng 39th birthday ang aktres last Saturday, August 12. Sa pamamagitan ng Instagram Reel pinakita ang sweet moments nila mula sa kanilang wedding, sa GMA Gala, their travels at […]