• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Training ng PBA teams simula na ngayon sa Pampanga

Makakapagsimula nang mag-ensayo nga­yong araw ang mga PBA teams sa Pampanga na magandang senyales na abot-kamay na ang restart ng PBA Season 46 Philippine Cup.

 

 

Unang aarangkada sa ensayo ang Alaska at Barangay Ginebra na nasa morning schedule ng liga.

 

 

Parehong alas-8 ng umaga ang training ng dalawang tropa kung saan sasalang ang Aces sa Colegio de Sebastian sa San Fernando, Pampanga habang ang Gin Kings ay magsasanay sa Beverly Place sa Mexico City.

 

 

Nakalinya rin ang Magnolia Hotshots sa Colegio de Sebastian at ang Blackwater Bossing sa Beverly Place sa parehong oras na 10:15 ng umaga.

 

 

Kasunod nito ang Meralco Bolts (Colegio de Sebastian) at NLEX Road Warriors (Beverly Place) sa alas-12:30 ng hapon at ang Phoenix Super LPG Fuel Masters (Colegio de Sebastian) at NorthPort Batang Pier (Beverly Place) sa alas-2:45 ng hapon.

 

 

Sa last batch ang Rain or Shine Elasto Painters (Colegio de Sebastian) at San Miguel Beermen (Beverly Place) sa alas-5 ng hapon at ang TNT Tropang Giga (Colegio de Sebastian) at Terrafirma Dyip (Beverly Place) sa alas-7:15 ng gabi.

 

 

Magkakaroon ng dalawang oras na ensayo ang bawat koponan kung saan may pagitan na 15 minuto ang bawat team para big­yang daan ang 15 minuto na disinfection procedure.

 

 

Iginiit din ni PBA commissioner Willie Marcial na sumailalim sa swab test ang lahat ng miyembro ng team bago simulan ang ensayo.

 

 

Mas magiging mahigpit ang swab testing sa oras na magsimula na ang liga.

 

 

Nakaabang pa rin ang PBA sa approval ng Office of the Governor para sa restart na planong ganapin sa Angeles University Foundation Arena at Don Honario Ventura State University sa Bacolor, Pampanga.

Other News
  • Sparring partner pinaluhod ni Pacquiao sa ginawang sparring session

    Napaluhod ni Sen. Manny Pacquaio ang isa sa tatlong foreign sparring partners nito sa nangyaring sparring sessions sa Wild Card Gym.     Sinabi ni Joey Concepcion, Team Mindanao Head ni Senator Manny Pacquiao, na isa sa ginagawang taktika laban kay Errol Spence ang ginamit ni Pacquiao sa di pinangalang sparring partner.   Dagdag pa […]

  • Pribadong sektor, kinukunsidera na bakunahan ang mga anak ng kanilang mga empleyado

    KINUKUNSIDERA ngayon ng pribadong sektor na bakunahan ang mga anak ng kanilang mga empleyado.   “Ang vaccination level of acceptance dito sa private sector, ang taas, umaabot ng 90 to 100%…So now what we’re telling them, bakunahan na rin namin ‘yung mga anak ng empleyado namin,” ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Sec. Joey Concepcion sa Laging Handa public briefing, araw ng […]

  • Ex-PBA player Junel Mendiola, pumanaw na, 45

    Pumanaw na ang dating PBA player na si Junel Mendiola sa edad 45.   Sinasabing hindi na nito nakayanan ang lung surgery noong Mayo 29 sa Cardinal Santos Medical Center.   Mula sa Intensive Care Unit (ICU) ay inilipat ito sa regular na room ang dating miyembro ng 2002 Purefoods champion team.   Ipinagdiwang pa […]