• December 1, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ex-PBA player Junel Mendiola, pumanaw na, 45

Pumanaw na ang dating PBA player na si Junel Mendiola sa edad 45.

 

Sinasabing hindi na nito nakayanan ang lung surgery noong Mayo 29 sa Cardinal Santos Medical Center.

 

Mula sa Intensive Care Unit (ICU) ay inilipat ito sa regular na room ang dating miyembro ng 2002 Purefoods champion team.

 

Ipinagdiwang pa nito ang kaniyang kaarawan noong June 13 kung saan binisita pa siya ni Blackwater deputy coach Romel Adducul sa pagamutan.

 

Naging 20th overall pick ng Purefoods noong 2002 draft at kasama siya sa championship ng Governors cup ng talunin nila ang Alaska Aces.

 

Bukod sa paglalaro sa PBA ay naglaro din ito sa Philippine Basketball League (PBL) at Metropolitan Basketball Association (MBA).

 

Kasama rin si Mendiola sa men’s basketball team ng manalo sila ng gold medal sa 21st Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur sa Malaysia noong 2001.

Other News
  • Ads September 25, 2023

  • “To the most beautiful soul in the world”: Birthday message ni ENRIQUE kay LIZA, punum-puno ng pagmamahal

    BUKOD sa napakadalang mag-post, matagal na rin na hindi halos nagpo-post sina Enrique Gil at Liza Soberano ng picture na magkasama sila.     Lalo na si Enrique, madalang na lang itong mag-post.     Si Liza ay nasa America, pursuing her Hollywood dreams. Habang si Enrique naman ay nasa bansa. At may mga bali-balita […]

  • TWG, binuo para sa mga panukalang pag-regulate ng motorcyles-for-hire

    INAPRUBAHAN ng House Committee on Transportation ang pagbuo ng isang technical working group na mag-iisa sa mga probisyon ng House Bills 128, 360, 781, 1668, 2733, 3412, 4327, 4470 at 6098 na magre-regulate sa operasyon ng mga motorcycles-for-hire.     Inihain ang mga ito nina Reps. Rachel Marguerite Del Mar, Maria Angela Garcia, Antonio ‘Tonypet’ […]