• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

JESSICA, inaalala ang magiging buhay ng mga taga-Afghanistan dahil sa Taliban; di na mabubura ang nasaksihan noong 2002

NEVER daw mabubura sa isipan ng award-winning broadcast journalist na si Jessica Soho ang mga nasaksihan niya sa Afghanistan nang mag-cover siya rito noong 2002. 

 

 

Nagiging emosyal si Soho tuwing maaalala niya ang pagsabog ng isang ambulansiya na malapit lang sa kanilang kinatatayuan.

 

 

Nang panahong iyon, nakontrol na ng mga sundalong Amerikano at kanilang mga kaalyado mula sa Taliban ang Afghanistan. Sa gitna ng digmaan, maraming landmines o bomba ang itinamin ng kalaban na kailangang alisin.

 

 

Sasama raw dapat ang grupo ni Jessisa sa pagpapatrolya ng mga sundalong Amerikano sa Bagram Air Base nang makita nila ang Danish Deminers Group, na mag-aalis ng mga itinanim na bomba. Naisipan nilang i-cover na muna ang mga mag-aalis ng bomba dahil malapit din lang ito sa Bagram Air Base.

 

 

Kuwento ni Soho: “So sabi ko, ‘Uy! Tamang-tama!’ So nag-usap kami ng producer ko, ni Joy Madrigal. Sabi ko, ‘Bago tayo pumunta dun sa loob ng base, i-cover muna natin ‘yung mga nagtatanggal ng landmine.”

 

 

Hanggang sa may mangyaring pagsabog at may nadisgrasyang nag-aalis ng bomba na isinakay sa ambulansya.

 

 

Tinanong pa raw sila kung gusto nilang sumama sa ambulansiya pero tumanggi sila Jessica dahil mayroon pa silang coverage sa Bagram Air base. Habang kinukuhanan ng video ng cameraman ang pag-alis ng ambulansiya, bigla itong sumabog nang magulungan ang nakatanim na mas malakas na bomba.

 

 

Isang uri ng anti-tank landmine ang itinamin at sasabog kapag nadaganan ng mabigat na sasakyan. Nang sandaling iyon, marami raw sakay ang ambulansiya.

 

 

Maluha-luhang pag-alala ni Soho: “Kaya ako tumanggi. Pero kung wala siguro ‘yun na naka-schedule, baka sumama kami. Bigla na lang parang ‘boom!’ Tapos parang nabingi na ako. Parang na-mute ‘yung TV mo o ‘yung gadget mo, parang ba’t ganito? Tapos parang iba bigla ‘yung mundo mo.

 

 

Parang slowmo ba o—ewan ko, ang hirap ipaliwanag pero naramdaman ko ‘yung init, tapos ‘yung parang ripples. After that time, para kaming tulala. Para kaming mga basang sisiw. Napaupo na lang kami sa isang tabi pero nagpapasalamat na lang ako na walang nangyari sa amin.”

 

 

Ngayon na muling nakabalik sa kapangyarihan ang Taliban, inaalala ni Jessica ang magiging buhay muli ng mga mamamayan doon; kumusta na kaya ang mga taong nakapanayam at nakasalamuha niya noon.

 

 

***

 

 

HABANG wala pang pinagkakaabalahang bagong teleserye si Arci Muñoz, panay ang liwaliw nito sa ibang-ibang lugar sa US.

 

 

Nitong nakaraang weekens, bumiyahe ang aktres sa isang road trip ng higit na 11-hours gamit ang RV or Recreational Vehicle.

 

 

Pinost ni Arci via Instagram ang kanyang photo katabi ang nirentahang RV na minaneho niya ng 706 miles across three states para makarating ng Denver, Colorado papuntang Arizona.

 

 

Kasama ni Arci ang ilang mga kaibigan sa kanyang road trip at pinakita niya via IG video ang loob ng RV at kunsaan sila nagluluto at natutulog na magkakaibigan.

 

 

Nagawa ng aktres na mabisita si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa Los Angeles bago ang naging laban nito sa Las Vegas noong nakaraang August 22. Napapirma ni Arci kay Pacman ang kanyang boxing gloves.

 

 

Bukod sa pagiging artista, nagsisilbi rin bilang sergeant si Arci sa Philippine Air Force Reserve Command.

 

 

***

 

 

BALITANG nagde-date ngayon ang Magic Mike star na si Channing Tatum at ang aktres na si Zoë Kravitz. Nakita ang dalawa na magkasama sa New York City.

 

 

Namamasyal sa East Village ang dalawa at tila walang pakialam na may mga nakakakita sa kanilang lambingan. Sumakay pa ng BMX bike ang dalawa at masayang umiikot-ikot sa kunsaan-saan. Nakayakap pa si Zoe kay Channing habang nasa bisikleta sila.

 

 

Noong January 2021 pa unang nabalitang nagkakamabutihan ang dalawa. Kaka-file lang noon ng divorce ni Zoe sa kanyang husband na si Karl Glusman.

 

 

Si Channing naman ay tuluyan nang nakipaghiwalay sa singer girlfriend na si Jessie J. noong October 2020. Kaya single siya noong nakaraang pandemic.

 

 

Noong November 2019, na-grant ang divorce niya mula sa ex-wife na si Jenna Dewan. Meron silang 8-year daughter named Everly.

 

 

Naging magkaibigan sina Channing at Zoe nang gawin nila ang thriller na Pussy Island. Si Zoe ang director at bida sa movie si Channing.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Baka ‘di pumayag sa pagpapa-convert ng girlfriend: RURU, natakot noong magpaalam sila sa Lola VICKY ni BIANCA

    ALIW si Ruru Madrid, tila na miss nito ang girlfriend na si Bianca Umali na hindi na umabot sa presscon.     Kaya kahit standee man lang ng Kapuso actress, binitbit niya at itinabi sa kanya habang kumakanta silang lahat na Sparkle artists ambassadors ng Beautéderm kasama ang C.E.O. na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.   […]

  • Clarkson mainit sa panalo ng Jazz

    NAGPASABOG si Fil-American guard Jordan Clarkson ng career-high 45 points para tulungan ang Utah Jazz sa 134-125 pagligwak sa Sacramento Kings.     Kumonekta si Clarkson ng pitong triples at may perpektong 8-of-8 shoo­ting sa free throw line para sa Jazz (42-25) na nanatili sa No. 4 spot sa Western Conference.     Nag-ambag si […]

  • Libreng birth certificate, clearance ng PWDs, solo parents isinulong

    PARA mabawasan ang mga gastusin ng mga persons with disability (PWD) at mga solo parents sa paghahanap  ng trabaho, maghahain ngayong Lunes ang ACT-CIS Partylist ng batas para gawing libre na ang mga dokumento bilang job requirements para sa sektor na ito.       Ayon kay ACT-CIS Representative at Deputy Majority Floor Leader  Erwin […]