PhilHealth sinagot P21.1-B unpaid hospital claims
- Published on August 28, 2021
- by @peoplesbalita
Emosyonal na humarap sa pagdinig ng Kamara ang presidente ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ngayong araw matapos ang sunud-sunod na banat sa kanila dahil sa bilyung-bilyong utang sa mga ospital.
Sabado nang sabihin ng Private Hospitals Association of the Philippines, Philippine Hospitals Association at Philippine Medical Association na kakalas sila sa PhilHealth dahil sa suspensyon ng pagbabayad sa mga ospital at health care providers na under investigation ang claims.
Sa kabila nito, iginiit ni PhilHealth president Dante Gierran sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability, Huwebes, na personal na humingi ng tawad sa kanya si Philippine Hospitals Association president Dr. Jaime Almora matapos mag-“overreact” sa unpaid claims.
“Ito, sasabihin ko na po, bugbog na po kami. I opened my heart, bugbog na po kami. No less than ‘yan si Dr. Almora, tumawag sa akin, nagsosorry po sa akin na he was just overreacting,” ani Gierran kanina sa hearing.
“Ito sasabihin ko na, ano ibig sabihin ng overreacting? Eh, nagoverreact lang pala siya. You see? It’s unfair, Mr. Chair, na kami lahat ang mali.”
Lumabas din sa parehong pagdinig na nasa P21.1 bilyon ang kabuuang utang ng naturang Government-Owned and Controlled Corporation (GOCC) sa mga ospital. Nangako naman sina Gierran na babayaran din naman nila ang naturang halaga.
Una nang pinuna nina Almora ang aniya’y mabagal na disbursement ng COVID-19 claims na hindi ginawa sa ilalim ng debit-credit payment method ng state insurer.
Giit pa ni Gierran, na dating direktor ng National Bureau of Investigation (NBI), na naaapektuhan na ang pamilya’t mga kaibigan niya dahil sa pagkundena ng publiko sa kanya at kanilang tanggapan.
“When I came, hindi po ako sanay dito, Mr. Chair. Sa NBI, maganda po ang trabaho namin doon. Hindi ako binugbog ng mga komentaryo doon. Dito kawawa talaga. ‘Yung pamliya ko, mga kaibigan ko,” sabi niya.
Dati nang inamin ng PhilHealth official na “hindi niya alam ang public health” dahil ang NBI operations daw ang gamay niya.
Ngayong buwan lang nang sabihin ni presidential spokesperson Harry Roque na dapat i-settle ng Philhealth ang hospital claims sa lalong madaling panahon lalo na’t maaari raw nitong maapektuhan ang pandemic response ng pamahalaan.
“The debts have to be paid because if we don’t, the private hospitals won’t be able to continue treating people who are sick with COVID and we do not have enough public hospitals,” ani Roque sa isang press briefing.
“So the appeal of the president, and I’m sure attorney Gierran will listen to this, the claims have to be settled as soon as possible… We need to see results now.”
Hulyo 2020 lang nang paratangan ni Thorrsson Montes Keith, dating anti-fraud legal officer ng PhilHealth, na “ibinulsa o mali ang paggastos” ng kanilang executive committee sa P15 bilyong halagang pondo ng tanggapan.
Nangyayari ang lahat ng ito matapos sabihin ni Health Secretary Francisco Duque III na “winarak” sila ng Commission on Audit matapos i-flag ng komisyon ang “deficiencies” ng Department of Health sa P67.3 bilyon nitong COVID-19 funds. (Daris Jose)
-
Kouame naka-focus ngayon sa pagsali sa 2023 FIBA World Cup
Tiniyak ni Gilas Pilipinas program director Tab Baldwin na maglalaro sa national team si Ange Kouame. Ito ay matapos ang ilang buwan nang aprubahan ang kaniyang naturalization. Sinabi ni Baldwin na nagkaroon na sila ng pag-uusap ng adviser ng Ateneo de Manila player na si Arben Santos na makakasama ng Gilas […]
-
Pagpupulong sa flood control at navigational gate
NAGSAGAWA ng pagpupulong ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco, kasama ang Philippine Coast Guard, Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga may-ari ng mga barkong bumangga sa coastal dike ng lungsod noong mga nakaraang mga bagyo. […]
-
PBA umatras sa imbitasyon na makapaglaro sa Dubai dahil sa COVID-19 pandemic
UMATRAS na ang PBA sa paglalaro sa Dubai dahil sa COVID-19 pandemic. Sinabi PBA Commissioner Willie Marcial na isa sanang karangalan ang maglaro sa mini-tournament kasabay ng Expo 22 sa Dubai ay nagpasya sila na umatras dahil sa patuloy na pagtaas na kaso ng COVID-19. Magkakaroon sana ng hindi bababa sa […]