TSERMAN AT ILANG OPISYAL DINAKIP SA SAP
- Published on August 28, 2021
- by @peoplesbalita
DINAKIP ang isang Barangay Chairman at ilang opisyal nito dahil sa reklamong Malversation of Public Funds partikular ang paglustay sa Social Amelioration Program (SAP) at pamemeke ng dokumento.
Ayon sa MPD Public Information Office, alas 9:20 kagabi nang maaresto sa Bagumbayan St. Sta. Mesa, Maynila si Mario Simbulan Ferrales, 73, Chairman ng Bgy 608 Zone 61 District VI at residente ng 217-C Bagumbayan St Sta Mesa.
Naaresto rin ang kasabwat nitong sina Ma.Cristina Zara, 53, Kagawad; Isagani Darilay, 42, Brgy.EX-O at isang John Mark Nagera,24.
Ang nasabing mga indibidwal ay inireklamo dahil sa hindi naibigay na ayuda mula sa SAP ng gobyerno para sa ikalawang quarter na halagang P8,000 ng mga complainants na sina Jerson Ceniza, 30,walang trabaho at Renerio Salabo, 32, store attendant at kapwa mga walang asawa.
Ayon sa impormasyon, sa kabila na nasa listahan ang mga recipient, hindi nila natanggap ang dapat sanang cash aid na kanilang matatamasa.
Narekober sa mga naaresto ang Masterlist ng Beneficiaries at dalawang pekeng identification cards ng mga suspek na nakalagay ang pangalan at address ng mga complainant na inisyu ng Brgy.608.
Ayon kay Capt.Philipp Ines, MPD-PIO Chief , nasa tanggapan ngayon ng SMaRT (Special Mayors Reaction Team) ang mga suspek dahil nasa pamamahala ng Manila Social Welfare Development ang pamamahagi ng naturang cash aid.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Art 217 (RPC) Malversation of Public Funds (Social Amelioration Program Funds) at Art 172 Falsification of Public Documents ang mga opisyal ng barangay. GENE ADSUARA
-
Pangdagdag sa angioplasty procedure: GARDO, ibinebenta na ang kanyang gym equipment
NAGHAHANDA na ang aktor na si Gardo Versoza sa ikalawang angioplasty procedure na kailangang gawin sa kanya. Noong nakaraang Marso, dinala sa ospital ang aktor matapos atakihin sa puso. Sa Instagram, nag-post ng video si Gardo na nagsasayaw at makikita sa likod ang kanyang gym equipment na kanyang ibinebenta. Sa caption ng […]
-
1 Peter 5:7
Cast all your cares on the Lord for he cares for you.
-
Quezon City ginawaran ng parangal ng DILG
GINAWARAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nang pagkilala ang Quezon City bilang lungsod na may pinakamaraming establisimyentong binigyan ng Safety Seal Certification. Mismong si Mayor Joy Belmonte ang tumanggap ng parangal mula kay DILG Secretary Eduardo Año sa ginanap na awarding ceremony sa SM Mall of Asia. […]