• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Quezon City ginawaran ng parangal ng DILG

GINAWARAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nang pagkilala ang Quezon City bilang lungsod na may pinakamaraming establisimyentong binigyan ng Safety Seal Certification.

 

 

Mismong si Mayor Joy Belmonte ang tumanggap ng parangal mula kay DILG Secretary Eduardo Año sa ginanap na awarding ce­remony sa SM Mall of Asia.

 

 

Aabot sa 5,800 na establisimyento sa lungsod  ang nagawaran ng safety seal.

 

 

Ayon kay Belmonte, resulta  ito  sa  mahigpit nilang ipinapatupad ang minimum health protocols, at paggamit ng contact tracing app ng QC, ang KyusiPass.

 

 

Sa tulong din ng Safety Seal, mas tumaas ang kumpiyansa ng mga kostu­mer na ang puntahan ang mga establisimento na nagawaran nito dahil nakatitiyak sila sa   mahigpit na pagpapatupad ng health protocols kaya safe silang bumisita o kumain doon. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • 5 hanggang 6M doses ang ituturok ngayong Marso

    SINABI ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na bumababa na ang vaccination numbers sa bansa.     Sa katunayan, 5 hanggang 6 na milyon na COVID-19 vaccine doses na lamang ang ituturok ngayong Marso.     Iniulat ni Galvez sa Chief Executive ang patuloy na pagbaba ng vaccination rate simula pa noong Nobyembre 2021.   […]

  • Aiko, ‘back to work’ matapos ang COVID scare; Alden, mis na ang lola sa Laguna

    Nakahinga na ng maluwag si Aiko Melendez kasunod ng saglit lamang ng isolation matapos magkaroon ng ilang sintomas ng Coronavirus Disease (COVID).   Negatibo kasi ang nakuha nitong resulta sa swab test kaya kaagad ding pinabalik sa trabaho.   Kuwento ng 44-year-old actress, ang pagkawala ng kanyang panlasa ay dahil pala sa tonsilitis o pamamaga […]

  • ‘Di pa hinog comment vs Sotto, pinalagan

    HINDI nagustuhan ni 6x PBA champion Ali Peek ang tila panlalait ng ESPN draft expert na si Jonathan Givony sa Filipino NBA prospect na si Kai Sotto.   Nagtengang kawali naman si Ali at sa sobrang pagkairita ay ‘di nito napigilang mag-react sa social media. @mtnpeek: “What reality check? This is his first time right? […]