• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Diaz magdo-donate ng P1 milyong weightlifting equipment

Ayon kay Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella, magdo-donate si Diaz ng mga weightlifting equipment sa SWP at Philippine Sports Commission.

 

 

Nagkakahalaga ito ng P1 milyon.

 

 

Nais ni Diaz na makatulong upang makatuklas pa ng mga bagong talento na susunod sa kanyang yapak sa mga darating na henerasyon,

 

 

Kaya naman malaki ang maitutulong ng mga sports equipment para may magamit ang mga interesadong atleta.

 

 

“Gusto ni Hidilyn na maibahagi ang pinaghirapan niya sa new breed of athletes especially sa weighlifting,” ani Puentevella.

 

 

Marami ang nagkainteres sa weighlifting matapos masungkit ni Diaz ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympic Games.

 

 

Pinagreynahan ni Diaz ang women’s 55-kilogram division kung saan bumuhat ito ng 97 kgs. sa snatch at 127 kgs. sa clean and jerk para sa kabuuang 224 kgs.

 

 

Mahigit P50 milyon ang tinanggap ni Diaz mula sa cash prize, house and lot, kotse at ilang negosyo package bilang insentibo sa kanyang pagkakapanalo ng gintong medalya sa Tokyo Olympics.

Other News
  • NOEL, hawak pa rin ang youngest Hall of Famer ng ‘Aliw Awards Foundation’; bida na sa ‘Nina Nino’ kasama si MAJA

    BIDA na sa isang primetime TV show ang former child actor na si Noel Comia, Jr.     Silang dalawang ni Maja Salvador ang lead stars ng Nina Nino na nag-premiere sa TV 5 last Monday, part ito ng Toda Max Primetime after ng Sing Galing at bago mag FPJ’s Ang Probinsyano.     First […]

  • PBA kumikilos na para masimulan ang season

    Desidido ang Philippine Basketball Association (PBA) management na masimulan na ang PBA Season 46 Philippine Cup sa third week ng Hulyo.     Kaya naman nakikipagtulungan na ito sa Metropo­litan Manila Development Authority (MMDA) para maplantsa ang lahat ng kakailanganin sa season opening.     Nakipagkita ulit si PBA commissioner Willie Marcial kay MMDA chairman […]

  • Tiniyak ang repatriation assistance

    UMAPELA ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino sa Ukraine na huwag mag-panic sa gitna ng nagpapatuloy na  paglusob ng Russia.     Tiniyak ng DFA sa mga ito na mabibigyan sila ng tulong at madadala sa mas ligtas na lugar o mapauuwi sa Pilipinas kung kinakailangan.     Sinabi ni Foreign Secretary […]