Hindi kailangan ang license, registration ng e-bikers
- Published on October 5, 2020
- by @peoplesbalita
INIHAYAG ng Land Transportation Office (LTO) na hindi kailangan ang registration papers ng mga electronic bikes at scooters na may maximum speed ng 25 kilometers kada oras upang tumakbo sa lansangan.
Ayon din sa LTO na hindi rin kailangan ng mga drivers ng smaller category of e-bikes na magkaron ng driver’s license mula sa LTO.
Subalit kahit na ang riders ng e-bikes at scooter ay exempted sa pagkakaron ng licenses at registration, ang mga sasakyan na ito ay limited lamang sa mga barangay roads at bicycle lanes na tinalaga ng mga authorities.
Sinabi rin ni LTO chief Edgar Galvante na ang guidelines ay nasa Department of Transportation na para kanilang repasuhin at pag-aralan.
“The one submitted to us is an initial draft that is yet to be reviewed by the DOTr Road Sector, Legal Affairs, and the Office of the Secretary,” wika ng DOTr.
Dati pa ay sinabi ni Galvante na may administrative order na binubuo na para sa guidelines ng e-scooter at e-bike at hinihintay na lang approval ng DOTr.
“The regulation of e-scooters and e-bikes would be based on the category depending on weight and specifications and aimed at pro- tecting the vulnerable sector,” sabi ni Galvante.
Samantala, sinabi naman ni Department of Transportation (DOTr) Arthur Tugade na hindi siya inclined na pangasiwaan ang e-scooter habang ang bansa ay nasa ilalim pa ng pandemic.
Ayon kay Galvante na ang LTO at DOTr ay hinihikayat ang publiko na gumamit ng ibang alternative modes ng transportation ngayon panahon ng pandemic at kahit na sa normal na panahon.
“These alternatives will help save the environment by lessening gas emission from traditional modes of transportation,” wika ni Tugade. (LASACMAR)
-
Supplies allowance para sa mga public school teachers dapat tiyakin – Senador
MATAPOS aprubahan sa huli at ikatlong pagbasa ang Kabalikat sa Pagtuturo Act (Senate Bill No. 1964), binigyang diin ni Senador Win Gatchalian na napapanahon na ang batas para gawin nang pamantayan ang pamimigay ng teaching allowance para sa mga guro sa mga pampublikong paaralan. Nakasaad sa panukalang batas ang pagkakaloob ng teaching allowance […]
-
Galvez, clueless kung may koneksyon kay Yang ang mg executives ng Pharmally
CLUELESS si Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. kung may koneksyon kay dating Presidential adviser Michael Yang ang executives ng Pharmally firm na nag-suplay sa bansa ng P8-billion COVID-19 pandemic supplies. Ang pahayag na ito Galvez ay matapos ipakita at ipanood ni Senador Richard Gordon sa Senate inquiry ang isang footage mula sa state-run RTVM […]
-
Presyo ng ilang basic goods, magtataas base sa bagong SRP guide na inisyu ng DTI
MAGTATAAS ang presyo ng ilang basic goods base na rin sa inisyung bagong suggested retail price (SRP) guide ng Department of Trade and Industry (DTI). Kabilang dito ang presyo ng mg de lata, tinapay, gatas, sabon, baterya at mga kandila. Paliwanag ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na kanilang inuna ang mga […]