• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kai ensayo agad sa Australia

Todo kayod na si Kai Sotto kasama ang A­delaide 36ers para paghandaan ang pagsabak ng tropa sa National Basketball League (NBL) Australia na magsisimula sa Nobyembre 18.

 

 

Ilang larawan ang nagsulputan sa social media kung saan nakasalamuha na ni Sotto ang ilang staff ng 36ers.

 

 

Simula nang dumating ito sa Australia, sumailalim muna sa ilang linggong quarantine protocol si Sotto bago tuluyang makasama ang kanyang tropa.

 

 

Kaya naman agad na sumalang sa training ang 7-foot-3 Gilas Pilipinas standout para pagpagin ang pangangalawang nito sa ilang linggong qua­rantine.

 

 

Bago tumulak sa Australia, nagkaroon ng pagkakataon si Sotto na ma­kabonding ang kanyang pamilya at ilang kamag-anak sa Maynila.

 

 

Nagawa pa nitong makapag-relax sa Boracay upang sulitin ang ilang linggong bakasyon bago sumabak sa matinding training camp sa Adelaide.

 

 

Maagang nagtungo si Sotto sa Australia upang makabuo ng solidong chemistry sa kanyang mga teammates.

 

 

Kasama ni Sotto sa 36ers ang kapwa baguhang sina Emmanuel Malou, Dusty Hannahs at Todd Withers at mga beteranong sina Daniel Johnson, Isaac Humphries, Mitch McCarron, Mojave King, Sunday Dech at Tad Dufelmeier.

 

 

Daraan ang 36ers sa ilang pre-season tuneup games at tournaments bago simulan ang kampanya sa NBL Australia.

Other News
  • Dating Pangulong Duterte, dapat humarap sa Quad-Committee

    NANAWAGAN si Rep. Jude Acidre ng Tingog Partylist kay dating Presidente Rodrigo Duterte na harapin ang Quad-Committee kasunod na rin sa naging testimonya nito sa senado ukol sa kanyang anti-drug campaign.   “Duterte’s admissions about his ‘death squad’ and his chilling willingness to command extrajudicial killings reveal a leader who has absolutely no regard for […]

  • Higit 30-K PNP personnel ‘nag-avail’ ng absentee voting

    MAHIGIT 30,000 mga pulis at sibilyan personnel ng PNP ang nag-avail ng absentee voting.     Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) chief, BGen. Roderick Augustus Alba na nasa mahigit 3,000 na mga Crame based personnel at halos 27, 000 naman ang mga nasa police regional offices ang nag-avail ng absentee voting.     […]

  • Habang naghihintay ang milyong Pinoy para sa kanilang Nat’l IDs, may ilan ang nakakuha ng 2 o higit pa

    HABANG naghihintay ang milyong Filipino para sa kanilang PhilID, o National ID cards  na mai-deliver sa kanilang bahay, may ilan naman ang  nagrereklamo sa  printout ng  ePhilIDs, habang ang ilan naman ang nakatanggap ng dalawa o higit pang cards.     Sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na “as of last week”,  74.2 milyong Filipino […]