KIM, iniyakan na ‘di natuloy sa lock-in taping kasama sina JENNYLYN at XIAN dahil biglang nag-positive sa COVID-19
- Published on September 1, 2021
- by @peoplesbalita
INIYAKAN ni Kapuso actress Kim Domingo na hindi siya natuloy makasama sa lock-in taping ng bago sana niyang teleserye na Love, Die. Repeat. na unang pagtatambalan nina Jennylyn Mercado at new Kapuso actor na si Xian Lim.
Ibinahagi ni Kim ang dahilan ng hindi niya pagkatuloy sa kanyang Instagram.
“Nagpositibo ako sa COVID-19. Hindi ko in-expect na tatamaan ako, pinagtatawanan na nga ako sa sobrang pag-disinfect at pag-iingat na ginagawa ko. Kumpleto ako sa vitamins at fully vaccinated ako. Ito sana ang pagbabalik ko sa TV simula ng magka-pandemic dahil hindi ako tumatanggap ng trabaho sa labas. “Work from home lang ako, natatakot kasi ako sa lock-in taping, pero dahil nabakunahan na ako, napanatag ako saka nami-miss ko na ang pag-arte. August 29 ang schedule namin ng quarantine, pero bigla sa di inaasahan, nangyari ito noong August 27. Grabe ang iyak ko nang malaman ko na hindi na ako makakasama sa show.”
Naisip na lamang ni Kim na baka may ibang plano si Lord sa kanya. Siguro raw nakatulong sa kanya ang bakuna dahil wala na siyang lagnat. Nawala man daw ang panlasa at pang-amoy niya pero nakakakain daw siya ng marami at okey na ang pakiramdam niya.
Tatapusin daw lamang naman niya ang kanyang home quarantine hanggang sa mag-negative siya sa virus. Nagpasalamat si Kim sa lahat ng nagpadala ng message at pag-alaala sa kanya.
***
PAREHONG nagpasalamat sina Kapuso actresses Jasmine Curtis-Smith at Glaiza de Castro sa Gawad Urian sa pagka-nominate nila sa Best Actress category.
Masaya si Lia ng The World Between Us sa nomination mula sa award-giving body: “Salamat po sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino. I am always very honored and grateful to be recognized by your prestigious committee for my roles and to be among the best actresses of this industry.”
Anytime next week ay papasok na muli sa lock-in taping si Jasmine at ang buong cast ng primetime series nila pagkatapos ng required quarantine sa kanila bago simulan muli ang taping under Dominic Zapata.
Hindi naman pala in-expect ni Glaiza na mano-nominate siya?
“Hindi ko po talaga in-expect pero to be acknowledged by Gawad Urian makes me feel like a winner already. Ang huhusay kaya ng mga co-nominees ko!”
Kasalukuyan napapanood si Glaiza as Maita sa GMA Afternoon Prime na Nagbabagang Luha, from Mondays to Saturdays sa GMA-7 after Eat Bulaga.
(NORA V. CALDERON)
-
P88.56 billion dividends na ni-remit ng GOCC, makatutulong sa buhay ng mga Filipino-PBBM
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makatutulong ng malaki ang ni-remit na P88.56 billion dividends ng Government-Owned or -Controlled Corporations (GOCCs) para mapabuti ang buhay ng mga Filipino. Nito lamang kasing May 3, nag-remit ang GOCCs ng nasabing halaga sa kaban ng bayan. Kumpiyansa naman ang Pangulo na ang […]
-
Pabrika na nagpasahod ng mga barya sa trabahador sa Valenzuela, sinuspinde
SINUSPINDE ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang operasyon ng Nexgreen Enterprise na nagpasuweldo ng baryang lima at sampung sentimo sa kanilang trabahador. Ito’y matapos umamin sa unfair labor practices nang ipatawag ni Mayor Rex Gatchalian ang pamunuan ng kumpanya upang pag-usapan ang reklamo ng kanilang dating empleyado na nag-viral sa social media. […]
-
Mga bagong rekomendasyon ng IATF, ipatutupad na- Malakanyang
BUNSOD ng pagtaas ng hospital care utilization rate, ipatutupad na ng pamahalaan ang mga inirekomenda ng Inter-Agency Task Force (IATF) Sub-Technical Working Group (sTWG) on Data Analytics sa National Task Force (NTF) Health Facilities Sub-Cluster: Kabilang dito ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang ipatupad ang pagtaas sa availability […]