• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Senador Imee Marcos, target na tumakbo bilang bise-presidente sa eleksyon 2022

IBINUKING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na target ni Sen. Imee Marcos ang Vice Presidency sa 2022 kasama ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang kanyang running-mate. 

 

“Si Imee, ganito ang laro n’yan, pinupuntahan niya si Mayor Duterte sa Davao, hoping na magtakbo ‘yon, siya ang maging bise,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang taped national address.

 

Subalit, tila tinitiyak na ng Pangulo na ang kanyang anak ay, “Hindi naman tatakbo, sabi niya.”

 

Si Imee, anak ng diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos ay naunang nagpahayag na ang kanyang kapatid na si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay nagpahayag na isang malaking karangalan na maging ka-running mate si Mayor Sara.

 

“Everything’s possible but I supposed the most obvious thing is if the Dutertes have the solid South, we’re assumed to have the solid North. Parang marriage made in heaven yan,” ayon sa senadora.

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Mayor Sara na kailangang maghintay ng pubiko ng hanggang Oktubre kung saan maghahain na ng kani-kanilang certificate of candidacy ang mga tatakbo sa Eleksyon 2022 kung siya nga ay tatakbo sa pagka-pangulo o hindi.

 

Samantala, inulit naman ng Pangulo ang hangarin niyang tumakbo bilang bise-presidente.

 

“Bakit? Walang oposisyon, hindi ‘man manalo ‘yang oposisyon. Sigurado ako, ‘yong Otso Diretso ulit na naman ‘yon,” aniya pa rin na ang tinutukoy ay ang opposition slate na nabigong makakuha ng Senate seat noong 2019 polls.  (Daris Jose)

Other News
  • Sean, nag-audition para maging support pero nakuhang bida

    MASARAP kausap si Sean De Guzman, ang member ng Clique 5, na bida na sa Anak ng Macho Dancer na produced ng Godfather Productions ni Joed Serrano.     Wala siyang iniiwasan na tanong. Game siya sumagot sa kahit na anong tanong. Ready rin siya to share anything about his childhood and his family.   […]

  • Base sa mga photos na pinost sa Instagram: CARLO at CHARLIE, pinagdududahang may relasyon kaya todo-react ang mga netizens

    PINAGDUDUDAHAN ng mga netizens kung mayroon na ba o namumuo pa lang relasyon sina award-winning actress Charlie Dizon at award-winning actor na si Carlo Aquino?     Ang Kapamilya actress mismo ang nag-upload ng photos na kung saan katabi niya si Carlo na kapansin-pansin na nakahawak pa sa kanyang hita. Habang nasa balikat naman ng […]

  • Kelot isinelda sa baril sa Caloocan

    HIMAS-REHAS ang isang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril sa bisa ng ipinatupad na search warrant ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Eduardo Ocampo Jr alyas “Jun Tattoo” ng Block 25, Lot 24 Madrid Street Tierra Nova, […]