• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, inatasan ang DoLE na palakasin ang pagsisikap laban sa illegal recruitment

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Labor and Employment (DOLE) na paigtingin pa ang pagsisikap nito laban sa illegal recruitment.

 

Ipinag-utos ng Pangulo sa DOLE na magkaroon ng mas maraming manpower at isama ang kapulisan sa pagtugon sa labor issue.

 

“So you fortify the anti-illegal task force,” ang sinabi ni Pangulong Duterte kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

 

“Okay na ‘yung iba. But I want kapag may mag-report, follow up agad ang police,” ayon pa sa Kalihim.

 

Aniya pa, nais niyang magtatag ng unit o tanggapan sa Philippine National Police para sa anti-illegal recruitment efforts.

 

Ipinanukala rin ni Pangulong Duterte na magbigay ng ilang buwan ng pagsasanay at pagtuturo ukol sa labor crime laws sa mga pulis para makatulong na puksain ang illegal recruitment. (Daris Jose)

Other News
  • Malakanyang, umapela sa publiko na sundin na lang ang naging pasya ng Metro Manila Mayors ukol sa pagbabawal ng outdoor exercises

    UMAPELA ang Malakanyang sa publiko na sundin ang anumang napagdesisyunan ng Metro Manila Council (MMC) na may kinalaman sa “no outdoor exercise” sa mga lugar na naka- Enhanced Community Quarantine (ECQ) gaya ng National Capital Region (NCR).   Ang katwiran ni Presidential Spokesperson Harry Roque,  ang mga alklade Rin naman ang nagpapatupad ng IATF resolutions. […]

  • Pagpapatupad ng PhilHealth premium hike, apektado ang sahod ng mga guro

    IPINANAWAGAN ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang apela ng mga guro na suspindihin ang PhilHealth premium hike na lubos na nakaapekto sa sahod ng mga teachers.     “We strongly urge the suspension of the PhilHealth premium hike amid the soaring prices of basic goods, commodities and services. The hike […]

  • Charles III, nagpaabot kay PBBM ng “warmest felicitations” para sa ina nitong si Unang Ginang Imelda Marcos

    SINABI ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr.  na magkakilala ang kanyang ina na si Unang Ginang Imelda Marcos at  King Charles III.     Sa katunayan aniya ay tinanong at kinamusta ni King Charles III ang kanyang ina sa idinaos na coronation  nitong weekend.     Ikinuwento ng Pangulo na matagal ng magkakilala ang kanyang ina […]