• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

August 30 idineklara ni Duterte bilang ‘National Press Freedom Day’

NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ang ilang batas na nagdedeklara sa petsang August 30 bilang “National Press Freedom Day”.

 

 

Ito ay bilang pagkilala kay Marcelo H. del Pilar, ang ama ng Philippine Journalism, na kilala rin sa kanyang pen name na “Plaridel” na isinilang noong August 30, 1890.

 

 

Sa ilalim ng Republic Act (RA) 11699, ang National Press Freedom Day tuwing August 30 kada taon ay isang working holiday.

 

 

Upang matiyak na magiging makabuluhan ang pagdiriwang nito ay inatasan ng pamahalaan ang lahat ng ahensya ng gobyerno, maging ang mga pribadong sektor ay inaatasan na makisali at lumahok sa anumang isasagawang aktibidad sa lugar ng kani-kanilang mga opisina o establisyemento na may kauganayan dito.

 

 

Nasasaklaw nito ang Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, at iba pa.

 

 

Habang inatasan naman na magsagawa ng consciousness-raising activities na may kaugnayan sa importansya, karapatan, at responsibilidad ng press ang Department of Eductaion (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa lahat ng mga pampubliko at pribadong paaralan.

Other News
  • SASO BUMIBIDA SA JAPAN GOLF STATS

    SUMABLAY sa mga korona sa magkasunod na linggong yugto ng 53rd Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) 2020, pinakahuli sa Minolta Cup nitong Linggo ng hapon si Yuka Saso.   Pero siya pa rin lumilitaw na nagdodomina sa standings at sa mga statstic ng mayamang palarong ito sa rehiyon   Ang malakas pumalong 19-anyos na […]

  • LAOGAN, BAGONG DEPUTY COMMISSIONER NG BI

    ITINALAGA sa Bureau of Immigration (BI) si Daniel Y. Laogan bilang bagong Deputy Commissioner.     Si Laogan na isang Abogado by profession ay nagtapos ng Commerce mula sa University of Sto Tomas (UST), kumuha rin ito ng Master of Science in Commerce sa nasabi ring unibersidad at nagtapos ng Abogasya sa Ateneo de Manila […]

  • Spence umatras na sa laban nila ni Pacquiao dahil sa injury sa mata

    Hindi matutuloy pa ang pagharap ni Manny Pacquiao kay Errol Spence Jr.   Ito ay matapos na magtamo ng eye injury ang undefeated American boxer.     Ayon sa World Boxing Association, natamo ni Spence ang torn retina sa kaniyang kaliwang mata habang ito ay nasa training para sa laban sana ng dalawa sa darating […]