• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PETISYON PARA PALAWIGIN ANG VOTERS REGISTRATION, IHAHAIN

MAGHAHAIN ng petisyon ang iba’t ibang grupo  ngayong umaga  sa tanggapan ng Commission on Elections(Comelec) upang hilingin na palawigin ang voter registration para sa May 2022 national at local election.

 

Ilan lamang sa mga grupo na nagpahayag ng kanilang paghahain ng petisyon ay ang Defend Jobs Philippines, Akbayan Youth, First Time Voters Network at iba pa.

 

Sa abiso ng Defend Jobs, hiling nila ang isang buwan na palugit para sa pagpapatala ng mga botante habang hanggang Enero ng susunod na taon ang hirit ng Akbayan Youth at iba pang grupo.

 

Ang petisyon ng nasabing mga grupo ay dahil na rin sa pangamba na maraming botante lalo ang mga  ew registrants ang hindi makakaboto dahil sa umiiral pa rin na MECQ sa Metro Manila  at ilan lugar kung saan suspendido pa ang voter registration.

 

Magsasagawa rin ng signature campaign ang grupo ng mga manggagawa para kumuha ng suporta sa kanilang petisyon . (GENE ADSUARA)

Other News
  • BEN AFFLECK’S “AIR” TO BE DISTRIBUTED BY WARNER BROS. IN PH

    MANILA, February 15, 2023 — “AIR,” directed by Ben Affleck, from Amazon Studios, Skydance Sports, Mandalay Pictures, and the first project from Affleck and Matt Damon’s Artists Equity, will receive a wide theatrical release in the Philippines through Warner Bros. Pictures starting April 19, 2023.     [Watch the trailer of “AIR” at https://youtu.be/7OKPknt7EtU]     In […]

  • Tuloy pa rin ang Bulacan airport, special economic zone hiwalay na proyekto” -Fernando

    LUNGSOD NG MALOLOS- Nilinaw ni Gobernador Daniel R. Fernando na tuloy pa rin ang konstruksyon ng paliparan sa Bulacan at hindi ito apektado ng pag-veto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa bill na lumilikha sa Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport.     Pinaliwanag ni Fernando, magkahiwalay na institusyon ang dalawang proyekto […]

  • PDU30: detensyon o pagpiit sa resource person sa Senate probe, isang pang-aabuso

    IKINUNSIDERA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang “oppression” ang detensyon o pagpipiit ng resource persons na tumangging sabihin ang nais ng mga senador na nais nilang marinig sa pagdinig sa Senate blue ribbon committee hinggil sa di umano’y overpriced ng pandemic supplies.   Sa Talk to the Peole, araw ng Miyerkules, hinamon ni Pangulong Duterte […]