• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Barangay health workers gagawing kawani ng gobyerno

Magiging kawani na ng gobyerno ang mga Barangay Health Workers o BHW’s sa ilalim ng panukala na inihain ni dating Speaker Alan Peter Cayetano, Taguig Congw.Lani Cayetano at mga miyembro ng Back to Service o BTS bloc sa Kamara.

 

 

Nais nina Cayetano at ng kanyang grupo na masuklian ng sapat na insentibo at sweldo ang mga Barangay Health Workers kaya hinikayat nila ang mga LGU na kunin ang serbisyo ng mga ito bilang contractual, job orders, casual at bilang mga regular employees mula sa pagiging volunteers.

 

 

Ilulunsad din ng panukala ang Special Barangay Health Workers Assistance Program sa ilalim ng Department of Health na naglalayong mabigyan ng technical assistance, training at iba pang uri ng suporta ang mga BHW sa ilang piling LGUs.

 

 

Sa ngayon ang mga BHW ay nakakatanggap ng allowance ngunit ito ay daragdagan ng naturang panukalang batas mula sa pondong makukuha ng mga LGU’s kapag ipinatupad ang Mandanas-Garcia ruling ng Korte Suprema. Inaasahang madagdagan ang internal revenue allotment o IRA ng mga LGU’s sa susunod na taon dahil sa Mandanas ruling.

 

 

Matagal ng adbokasiya ng mga Cayetano ang kapakanan ng mga BHW. Sa Taguig, lahat ng 819 BHW ay mga casual employees na ng LGU at sumasahod ng mula P7,900 hanggang P11,000 kada buwan.

 

 

Samantala, kabilang din ang mga barangay frontliners sa listahan ng mga benepesyaryo na makakatanggap ng 10K ayuda sa ilalim ng panukalang batas na inihain ni Cayetano at ng kanyang mga kaalyado noong Peb­rero 2021. Layon ng 10K ayuda bill na mabigyan ng P10,000 ang bawat pamil­yang Pilipino na kasapi ng poorest of the poor na nabiktima ng COVID-19. (Gene Adsuara)

Other News
  • Opening ng WNBL, NBL pag-aaralan pa – Mercado

    IPINASYA ng Women’s National Basketball League (WNBL) at National Basketball League (NBL) na ipagpaliban muna ang planong 2021 season opening pagkatapos ng Holy Week.     Sa pahayag ng dalawang liga nitong isang araw lang, ipapalabas na lang ang bagong petsa  sa pagbubukas nito para na rin sa kaligtasan mula ng lahat sanhi nang pagtaas […]

  • P5K, makukuha ng bawat pamilyang apektado ng bagyong Odette

    NANGAKO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magbibigay ng P5,000 cash aid sa bawat pamilya na apektado ng bagyong Odette.   Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na mayroon namang sapat na pondo para sa cash aid sa mga Odette-hit families.   “There are many of the poor who were affected. We […]

  • Russia, hindi papayagan ng Amerika na bayaran ang utang gamit ang mga dolyar na naka-imbak sa US banks

    HINDI  na papayagan ng US ang Russia na bayaran ang utang nito gamit ang mga dolyar na nakaimbak sa mga bangko ng Amerika, isang pagbabago na naglalayong magdagdag ng presyon sa Moscow.     Sinabi ng press secretary ng White House na si Jen Psaki na layunin nito ay upang maubos ang mga mapagkukunang pinansyal […]