• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbibitiw ni Duque iginiit

Lumusob noong Miyerkoles ng umaga ang daan-daang healthcare workers na kaanib ng Alliance of Health Workers at Filipino Nurses United (FNU) sa harap ng head office ng Department of Health (DOH) sa Rizal Avenue, Maynila at nanawagan sa pagbibitiw ni Secretary Francisco Duque III.

 

 

Pasado 10:00 ng umaga, unang nagtipun-tipon ang mga health workers sa harapan ng Philippine General Hospital (PGH) bago nagmartsa patungo sa tanggapan ng DOH.

 

 

Lumahok dito ang mga healthcare workers buhat sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC), National Kidney and Transplant Institute (NKTI), Philippine Ge­neral Hospital, Research Institute for Tropical Medicine at Tondo Medical Center.  Umabot sa humigit kumulang 200 ang mga nagprotesta makaraang samahan  sila ng iba’t ibang militanteng grupo.

 

 

Nagsagawa muna ng programa ang mga health workers na sinundan ng noise barrage bago tuluyang tinapos ang kanilang protesta.  Panawagan ng mga demonstrador ang agarang pagbibitiw ni Duque dahil sa kabiguan na maibigay ang mga benepisyo nila kaugnay ng pandemya.

 

 

Ayon kay Cristy Donguines, presidente ng JRRMMC employees union, sa ngalan ng delicadeza ang panawagang pagbaba sa puwesto ni Duque.

 

 

Samantala, sinabi ni Filipino Nurses United (FNU)  convenor Eleanor Nolasco na tuluy-tuloy ang isasagawa nilang kilos protesta laban sa DOH dahil hanggang sa ngayon ay marami pa ang hindi nakakatanggap ng pangakong ‘special risk allowance (SRA).

 

 

Bukod dito, hinihingi rin ng mga health workers ang kanilang meals, accomodation and transportation (MAT) allowance, at active hazard pay.

 

 

Sinabi naman ng DOH na naipamahagi na sa iba’t ibang rehiyon ang may P311 milyon benepisyo para sa mahigit 20,000 health workers. (Daris Jose)

Other News
  • Pamasko ng Malabon LGU… HIGIT 84K MALABUEÑOS TATANGGAP NG IKAAPAT NA AYUDA

    MAKAKATANGGAPmula sa Pamahalaang Lungsod ng Malabon ng ikaapat na bahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng programang Malabon Ahon Blue Card (MABC) ang nasa 84,048 benepisyaryo bilang bahagi ng mga hakbangin ng lungsod na magdala ng saya at pagmamahal sa mga Malabueño ngayong kapaskuhan.       Ibinahagi ng City Monitoring, Evaluation, Accountability, and Learning […]

  • Pamilya ng EJK victims umaasang makakamit ang hustisya mula sa ICC – Colmenares

    Umaasa ang libo-libong pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings (EJK) na kanilang makakamit ang hustisya kaugnay ng kalunos-lunos na sinapit ng kanilang mga mahal sa buhay sa International Criminal Court (ICC), na nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa madugong drug war ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.     Ito ang sinabi ni dating […]

  • Pagbubuwis sa luxury items, bahagi ng tax reform-NEDA

    BAHAGI ng  tax reform program ng pamahalaan ang pagbubuwis sa mga luxury items.     “This is still part of making the tax system simpler,” ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon.     Sa ulat, sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na pinag-aaralan na ng kanyang komite na patawan ng […]