• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 sa Pinas higit 2 milyon na!

Sumampa na sa hi­git dalawang milyon ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas makaraang madagdagan kahapon ng bagong 14,216 kaso base sa re­sulta ng mga pagsusuri ng mga testing laboratories na ipinadala sa Department of Health (DOH).

 

 

Sa Case Bulletin No. 536, umakyat na sa 2,003,955 katao ang tinamaan ng COVID-19 magmula nang maitala ang unang kaso noong Marso 2020.

 

 

Nakapagtala ng 26.4% positive rate sa 51,473 indibiduwal na isinalang sa COVID-19 tests nitong Agosto 30.

 

 

Nasa 18,754 pasyen­te naman ang gumaling kahapon para tumaas ang kabuuang recoveries sa 1,829,473 na katumbas ng 91.3% ng total case count.

 

 

Umabot sa 86 pasyen­te ang nasawi kaya ang death toll ay nasa 33,533 na 1.67% ng total case.

 

 

Naitala naman ang  mga aktibong kaso sa 140,949 na 7.0% ng total cases.

 

 

Sa mga aktibong kaso, 96.1% nito ay mga mild cases, 1.1% ang asymptomatic, 0.6% ang kritikal, 1.2% ang severe at 1.03% ang moderate cases.

 

 

Sa buong bansa, nakapagtala ng utilization rate na 73% sa ICU beds, 66% sa isolation beds, 71% sa ward beds at 55% sa ventilators.

Other News
  • Pagpapaliban ng Brgy., SK polls lusot sa 2nd reading ng Senado

    LUSOT na sa ikalawang pagbasa ang Senate Bill 1306 na nagpapaliban ng isang taon sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.     Dalawa lamang sa mga senador ang bumoto ng No sa panukala na sina Senators Koko Pimentel at Risa Hontiveros.     Matapos ang ‘period of interpellation’ ay hindi na sumalang sa committee […]

  • Paghatol kay Abdullah pinuri ng BI

    PINURI ng Bureau of Immigration (BI) ang paghatol kay Kenyan national Cholo Abdi Abdullah sa New York.   Si Abdullah ay dineport mula sa Pilipinas noong 2020 matapos maaresto ng an alleged operative of the terrorist group al-Shabaab, had been deported from the Philippines in 2020 after his arrest by BI intelligence officers and Anti-Terrorist […]

  • Ilang player ng PBA balik Gilas Pilipinas – Marcial

    BALIK ang mga manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) upang kumampanya sa national colors sa 2021 International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup Qualifiers 2021 sa darating na Pebrero 18-22.   Final window na ng Qualifiers ang event na itataguyod ng ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. ang mga laro sa Group A, na Bubble-style rin […]