• June 21, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang player ng PBA balik Gilas Pilipinas – Marcial

BALIK ang mga manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) upang kumampanya sa national colors sa 2021 International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup Qualifiers 2021 sa darating na Pebrero 18-22.

 

Final window na ng Qualifiers ang event na itataguyod ng ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. ang mga laro sa Group A, na Bubble-style rin ang mga laro  sa Clark, Angeles City.

 

Nagtagumpay ang PBA bubble sa Pampanga, nakumpleto nang walang aberya ang 45th Philippine Cup 2020 na pinagkampeonan ng Barangay Ginebra San Miguel noong Oktubre 5-Disyembre 9.

 

Pinarating na sa PBA ni SBPI president Alfredo Panlilio ang muling paghiram ulit ng players sa propesyonal na liga.

 

Bukod sa limang nasa Gilas pool, puro collegiate players o mga bagong graduate ang bumuo sa Philippine quintet na inilaban sa huling window sa Bahrain nitong Nobyembre kung saan winalis ang Thailand sa dalawang laro.

 

“Nagsabi na si (SBP) president Al fredo Panlilio kung puwedeng gumamit ng PBA players,” pahayag Biyernes niPBA  commissioner Wilfrido Marcial. “Pinapayagan naman, kaya inusog na namin ‘yung PH Cup opening sa April 9.”

 

Kabilang sa mga nag-Gilas sa first round nitong Peb. 23 sa Jakarta laban sapinulbos na Indonesia  sina Christian Jaymar Perez, Roger Ray Pogoy , Justin Chua, Kiefer Isaac Ravena, John Paul Erram, Abu Tratter, at Jeth Troy Rosario. (REC)