• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, pinuri si Duque at mga health workers dahil sa paggaling ng 1.8M Pinoy mula sa Covid-19

PINURI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Health Secretary Francisco Duque III at ang mga health professionals dahil gumaling ang may 1.8 milyong Filipino na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).

 

Sa kabila ng batid ng Pangulo na ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa ay pumalo na sa mahigit 2 milyon, ipinunto ng Pangulo na ang bilang ng mga taong gumaling mula sa coronavirus ay isang “very good” na indikasyon na pinagsumikapan talaga nina Duque at ng mga medical workers na matalo ang pandemiya.

 

“Now, the Philippines has breached the 2 million mark in Covid cases,” Duterte said in his prerecorded Talk to the People. “However, ang konswelo natin  is that 1.8 million of these have recovered. So meron na lang 200 na wala,” anito.

 

Pinuri rin ni Pangulong Duterte ang Kalihim na sa kabila ng mga batikos na ipinupukol dito dahil sa usaping “mismanagement” ng Covid-19 pandemic response funds at panawagan na bumaba na ito sa puwesto ay nananatili si Sec. Duque sa pagtulong sa pamahalaan na labanan ang Covid-19.

 

“And that…number of Covid-19 recoveries is a very good reflection of what our health people are doing. And I would like also to commend Secretary Duque for that,” ayon sa Pangulo.

 

Sa ulat, may 16,621 bagong Covid-19 infections na naitala dahilan upang ang kabuuang tally nit ay pumalo na sa 2,020,484.

 

Tinatayang 1,840,294 coronavirus-infected individuals ang gumaling habang 33,680 naman ang namatay.

 

Hanggang sa ngayon ay mayroong 16,621 active Covid-19 cases sa bansa.

 

Sa gitna ng pagtaas ng Covid-19 infections, pinaalalahanan naman ni Pangulong Duterte ang publiko na magpabakuna dahil ito ang “best weapon” para protektahan ang sarili mula sa coronavirus.

 

Hinikayat din ng Pangulo ang first dose vaccinated filipino na hangga’t maaari ay kunin ang kanilang second dose ng bakuna.

 

“Alam mo, the vaccination really is what we can offer you to fight Covid-19. Walang iba . There’s no other defense against the microbe, For those who would need the second vaccination, kindly do it also in a hurry,” anito. (Daris Jose)

Other News
  • Happy sa bagong ini-endorse dahil effective at mura pa: MARIAN, aminadong adik sa lotion at nilalagyan si DINGDONG ‘pag tulog na

    DAHIL sa tagumpay ng premium beauty and wellness brand na Beautéderm, ipinakilala sa media at merkado ng President at CEO na si Rhea Anicoche-Tan ang bago niyang kompanya na BlancPro.   Bagong player sa beauty industry, ang BlancPro ay sub-brand/affiliate ng Beautéderm at ito ay nag o-offer ng epektibong skincare products sa mababang halaga na […]

  • Masbate discus thrower nagtala ng gold medal sa Batang Pinoy

    NAKUHA ng discus thrower mula sa Masbate ang unang gintong medalya sa nagpapatuloy na 2024 Batang Pinoy National Championships.       Naitala ni Courtney Jewel Trangia ang 38.30 meters sa girls division na ginanap sa Ramon V. Mitra Jr Sport Complex sa Puerto Princesa, Palawan.     Ito na ang pangatlong sunod na kampeonato […]

  • Nagsimula lang mag-detox two years ago: JUDY ANN, nawalan ng gana na mag-exercise pero binalik dahil sa mga anak

    KAHIT forty six na si Judy Ann Santos na may anak ng dalaga, si Yohan at binatilyo, si Lucho at ang lumalaki na ring si Luna, nakaka-impress ang dedikasyon niya sa pagpapanatili ng kanyang magandang pangangatawan.     Marami nga ang nagsasabi, mas seksi at mas maganda siya ngayon kaysa noong dalaga siya.     […]