668 NAVOTENOS NATANGGAP NA ANG 2ND TRANCHE SAP
- Published on September 8, 2021
- by @peoplesbalita
NATANGGAP na sa wakas nang nasa 668 Navoteño families ang kanilang second tranche ng Social Amelioration Program.
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)–National Capital Region, sa koordinasyon sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay ipinamahagi na ang P8,000 emergency cash assistance.
“The wait is over. After more than a year, 668 families have now claimed their Bayanihan 1 second tranche. This is just the beginning though. We will continue to work with the DSWD until all qualified Navoteño beneficiaries have received their cash aid,” ani Mayor Toby Tiangco.
Noong nakaraang December, sumulat si Tiangco kay DSWD-NCR Director Vicente Gregorio Tomas at tinanong kung bakit ang ilang beneficiaries ay hindi naibukod sa payroll ng pangalawang tranche ng SAP.
Nagpadala ang alkalde ng kabuuang 51 sulat na naglalaman ng 4,382 mga pangalan ng mga beneficiary na nagsabing hindi nila natanggap ang kanilang emergency cash subsidy.
Si Tiangco, kasama ang ilang depertment heads ng lungsod ay nakipag-diyalogo sa mga opisyal ng DSWD upang maayos ang usapin.
Sa isang pagpupulong kay DSWD Sec. Rolando Joselito Bautista at iba pang pangunahing personalidad ng DSWD noong Agosto 9, nalaman ng lungsod na 668 sa mga benepisyaryo ay walang kumpletong datos ngunit karapat-dapat na makatanggap ng cash aid. (Richard Mesa)
-
Naniniwala na may competition kahit saan: BILLY, open pa rin sa possibility na mag-work sa alinmang noontime shows
OPEN pala si Billy Crawford sa possibility na magtrabaho sa alinmang noontime shows ngayon na umeere sa magkakaibang TV networks. Huling noontime show ni Billy ay “Tropang LOL” ng Brightlight Productions. Ongoing noontime shows ngayon ay “It’s Showtime” ng Kapamilya Network sa GTV at A2Z, “Eat Bulaga” sa GMA-7 at “E.A.T.” […]
-
PBBM, ipinag-utos sa DENR na i-assess ang oil spill … Tanker may kargang 1.4 milyong litro langis, lumubog sa Bataan
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang kinauukulang ahensiya ng gobyerno na i-assess ang environmental impact ng isang oil spill mula sa napakalaking oil tanker na tumaob sa baybayin ng Bataan. Sa isang situation briefing sa epekto ng Super Typhoon Carina at pinalakas na […]
-
Gunman sa pamamaslang sa registration chief ng LTO, arestado
ARESTADO na ng mga otoridad ang isa sa mga suspek sa madugong pamamaslang sa isang opisyal ng Land Transportation Office sa Quezon City. Sa ngayon ay tumanggi munang magbigay ng dagdag pang mga impormasyon si Department of the Interior and Local Government Sec. Benjamin Abalos Jr. ngunit kasalukuyan na aniyang hinihintay na […]