• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 key players ng Heat posibleng hindi makapaglaro sa Game 2

ISANG malaking hamon ngayon para sa Miami Heat ang pagharap nila sa Game 2 ng NBA Finals laban sa Los Angeles Lakers matapos na dalawang manlalaro nito ang kuwestiyonableng ‘di makakapaglaro.

 

Nagtamo kasi ng left foot torn plantar fascia injury si Goran Dragic habang left neck strain naman ang natamo ni Bam Adebayo.

 

Nauna nang lumabas sa playing court si Dragic sa first half ng Game 1 at hindi na bumalik pa matapos matamo ang injury at sinundan naman ni Adebayo.

 

Nagpapasalamat naman si Fil Am Heat coach Erik Spoelstra dahil hindi naging malala ang injury ni Jimmy Butler.

 

Nagtamo kasi ng ankle injury si Butler subalit bumalik sa laro pagpasok ng second half.

 

Gaganapin naman ang second game ng NBA Finals ng dalawang koponan dakong-9:00 ng umaga oras sa Pilipinas.

Other News
  • Ipalalabas pa lang ang ‘Rewind’, humihirit na ng next project: MARIAN, hindi magagampanan ang role kung hindi si DINGDONG ang kapareha

    IPALALABAS pa lamang sa December 25 bilang isa sa 10 official entries sa Metro Manila Film Festival ang “Rewind” na pinagbibidahan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, humihirit na agad si Marian ng kasunod under Star Cinema.     Obviously, nag-enjoy ito na makagawa ng movie sa Star Cinema, plus co-produced din ng AgostoDos […]

  • Riot napigilan, 2 teenagers tiklo sa Molotov bomb sa Malabon

    NAGAWANG mapigilan ng mga awtoridad ang magaganap sanang riot ng grupo ng mga teenager dahil sa mabilis na pagresponde ng mga ito na nagresulta sa dalawang 18-anyos na lalaki sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Mark Jordan Blas […]

  • Sa showbiz na na-experience at matapang na hinarap: JULIA, memorable ang ‘high school life’ at never nakaranas nang pambu-bully

    SA bagong youth comedy-drama series na The Seniors mula sa VIVA TV at Project 8 Projects, pak na pak ang high school life sa Pacaque Rural High school kasama sina Ella Cruz, Andrea Babierra, Awra Briguela at Julia Barretto.     Binuo ito at prinoduce ng box-office directors na sina Dan Villegas at Antoinette Jadaone […]