Galvez, clueless kung may koneksyon kay Yang ang mg executives ng Pharmally
- Published on September 9, 2021
- by @peoplesbalita
CLUELESS si Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. kung may koneksyon kay dating Presidential adviser Michael Yang ang executives ng Pharmally firm na nag-suplay sa bansa ng P8-billion COVID-19 pandemic supplies.
Ang pahayag na ito Galvez ay matapos ipakita at ipanood ni Senador Richard Gordon sa Senate inquiry ang isang footage mula sa state-run RTVM na nagpapakita na may meeting si Chinese businessman Michael Yang at Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Pharmally officials.
Si Yang ay dating presidential adviser on economic affairs.
Sa kabilang dako, tinukoy ni Senador Risa Hontiveros ang records mula sa Taiwan’s Ministry of Justice website, kung saan si Pharmally’s chairman Huang Wen Lie, o mas kilala bilang Tony Huang, ay “wanted” para sa “securities fraud, stock manipulation, at embezzlement.”
Makikita rin listahan ng nasabing website ang pangalan ng anak ni Huang na si Huang Tzu Yen — na nakaupo bilang incorporator ng Pharmally Pharmaceutical Corp. at Pharmally Biological Inc. — bilang wanted person para sa stock manipulation.
“Wala kaming kaalam alam po diyan,” ayon kay Galvez.
“It was crunch time and all we can think about is to save lives since doctors, nurses are dying due to lack of PPE (personal protective equipment). We just did our part,” dagdag na pahayag ni Galvez.
Inulit din ni Galvez ang sinabi ni Presidential spokesperson
Harry Roque ang kakayahan ng Pharmally na makapag-deliver ng high-quality supplies sa abot-kayang halaga, sa tamang oras at hindi nagpapabayad hangga’t hindi naide-deliver ang mga pandemic supplies.
Sa kabilang, sinabi naman ni Galvez na handa niyang harapin ang Senate inquiry sa usaping ito sa Setyembre.
“Yes , I will attend because we have to be given time to respond. To conclude this is plunder is very insensitive.”
Matatandaang sinabi ni Sec. Roque na walang pangangailangan na magsagawa ng background check sa Pharmally dahil ang kompanya ay hiwalay na entity mula sa pesonalidad na nasa likod nito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Ika-27 ASEAN Labor Minister’s Meeting, gaganapin sa bansa
MAGIGING punong-abala ang Pilipinas sa gaganaping ika-27 ASEAN Labor Ministers’ Meeting (ALMM) at iba pang pagpupulong na may kinalaman dito, sa Maynila ngayong linggo, pahayag ni Labor Secretary Bienvenido E. Laguesma nitong Linggo. Inaasahang dadalo sa mga pagpupulong mula Oktubre 25 hanggang 29 ang mga labor minister at mga senior labor official mula […]
-
VP Sara, sinabing darating ang panahon na hindi na siya ‘sasali’ pa sa pulitika
INIHAYAG ni Vice President Sara Duterte na darating ang panahon na hindi na siya ‘sasali’ pa sa pulitika. Tugon ito ng Bise Presidente nang matanong kaugnay sa payo sa kaniya ng kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na umalis sa pulitika at mamuhay na lamang ng mapayapang buhay. Napatawa naman ang […]
-
DALAGITA, NATAGPUANG PATAY SA ILALIM NG TULAY
NAGSASAGAWA ng malalimang imbestigasyon ang Cavite police upang matukoy at maaresto ang pagpatay sa isang 16-anyos na dalagita na natagpuang patay sa ilalim ng tulay sa Trece Martires City, Cavite Lunes ng umaga. Apat na mga kalalakihan ang persons of interest ng pulisya sa pagkamatay ng biktimang si “Angel”, 16, isang Grade 9 […]