‘Bakuna Bubble’ gustong i-test sa NCR areas na may high vaccination rates
- Published on September 9, 2021
- by @peoplesbalita
ISINUSULONG ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion ang test implementation ng “bakuna bubbles” sa mga lungsod ng Kalakhang Maynila na mayroong vaccination rates laban sa COVID-19.
Sa isang kalatas, sinabi ni Concepcion na ang pagpapatupad “bakuna bubbles” sa mga lugar sa National Capital Region (NCR) na may high vaccination rates ay makapag-aambag sa vaccination program kasabay ng tamang paraan para buksan ang ekonomiya.
“We can implement the ‘bakuna bubble’ concept in an LGU (local government unit) in NCR with a high vaccination rate to test if the model will work,” ayon kay Concepcion.
Ani Concepcion, ang nasabing panukala ay maaaring ipatupad sa gitna ng surge.
Idinagdag pa niya kung ang “bakuna bubble” ay napatunayang gagana sa high-vaccination LGUs, ay maaari itong ipatupad sa NCR level.
Nauna rito, sinabi naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na mahaharap sa usaping legal ang panukalang pagkakasa ng bakuna bubbles para ihiwalay ang mga fully vaccinated kontra COVID-19 mula sa mga hindi pa bakunado.
Ito ayon sa Kalihim ay dahil pasok sa nasabing hakbangin ang isyu ng diskriminasyon.
Sinabi ni Guevarra na mayroong valid medical reasons ang ilang tao kaya’t hindi dapat mabakunahan kontra COVID-19.
Binigyang diin pa ni Guevarra na ang panukalang pagkakaroon ng bakuna bubbles ay kailangan para protektahan ang mga nabakunahan na gayundin ang mga hindi pa natuturukan, himukin ang mga hindi bakunado para magpa bakuna na at makatulong na mapalakas ang ekonomiya ng bansa.
Ito aniya ay bagamat hindi pa available ang bakuna sa ilang lugar.
Aniya ang mga maliit na hakbang ay makakatulong aniya na makamit ng herd immunity.
“For the entire Philippines to achieve higher vaccination rates, these Bakuna Bubbles have to likewise cooperate in vaccinating their members. These are small steps that will then accumulate,” ang pahayag naman ni Concepcion.
Ang tinatawag na “bakuna bubbles” ay “pockets of micro-herd immunity among closed groups, such as homes and workplaces.”
Ang solusyon ay ipinanukala para paganahin ang ekonomiya habang ang natitirang populasyon ay binabakunahan.
Nire-require din sa mga hindi bakunadong indibiduwal na mag-presenta ng negatibong antigen o RT-PCR test bago pumasok sa high-risk establishments gaya ng restaurants, salons, coffee shops, gyms, at iba.
Itinutulak naman ni Trade Secretary Ramon Lopez na payagan ang mga fully-vaccinated individuals na makapag- avail ng dine-in at personal care services sa layuning mahikayat ang iba na magpabakuna.
“The presence of the Delta variant has changed the game, but the key objectives of vaccines–preventing hospitalization, deaths, and transmission–remain the same. Those fully vaccinated have a slimmer chance of contracting severe infections and that is for certain,” ayon kay Concepcion.
-
Serena Williams hindi na itinuloy ang laro sa Wimbledon matapos ma-injured
Hindi na tinapos ni Serena Williams ang kaniyang laro sa first round ng Wimbledon at tuluyan ng nagretire matapos na ito ay nagtamo ng injury. Hawak ng 39-anyos ang kalamangan sa first set 3-1 laban kay Aliaksandra Sasnovich ng Belarus ng ito ay nadulas. Dahil sa kailangan niyang ipasuri ang kaniyang […]
-
Ads January 4, 2023
-
Metro Manila, Bulacan at Cavite makaranas ng water supply interruptions
INANUNSYO ng West-zone Maynilad Water Services na makaranas ng water supply interruptions ang ilang bahagi ng Metro Manila, Cavite, at Bulacan area simula Linggo dahil sa mataas na demand sa Bagbag Reservoir. Sinabi ng Maynilad sa isang advisory na ang mga customer sa mga bahagi ng Bulacan, Caloocan City, Makati City, Malabon City, […]