• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

19 nawawala habang halos 80,000 apektado dahil sa bagyong Jolina — NDRRMC

Libu-libo ang apektado habang halos 20 naman ang patuloy na nawawala bilang epekto ng Tropical Storm Jolina, na siyang papalabas na ng Philippine area of responsibility ngayong hapon o gabi.

 

 

Ito ang lumalabas sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Huwebes ng umaga:

 

  • Nawawala (15)
  • Apektadong residente (79,062)
  • Nasa evacuation centers (6,397)
  • Na-displace pero wala sa evacuation center (1,470)
  • Evacuation centers (90)

 

 

Sa mga nawawala, sinasabing 15 dito ang kumpirmado na habang apat pa ang patuloy na vina-validate ng NDRRMC.

 

 

Ilan na sa mga lugar na talagang naapektuhan ng naturang bagyo ay ang Central Luzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas at Eastern Visayas.

 

 

Wala pa namang naitatalang patay o sugatan dahil sa pagtawid ng bagyong Jolina sa kalupaan ng Pilipinas sa ngayon.

 

 

Pinsala ng bagyo

 

Sa ngayon, aabot na sa 193.79 milyong halaga ng pinsala na ang naitatamo ng Regions 5, 6, at 8:

 

  • Bicol (P13.79 milyon)
  • Western Visayas (P436,610)
  • Eastern Visayas (P179.56 milyon)

 

 

Aabot naman sa 3,058 kabahayan ang napinsala ng tropical storm sa kasalukuyan:

 

  • bahagyang nasira (2,900)
  • wasak na wasak (158)

 

 

Dating nasa typhoon category ang bagyong “Jolina” bago ito humina sa ngayon. Sa kabila nito, patuloy namang nananala ang Typhoon Kiko sa loob ng PAR na posible pang maging super typhoon dahil sa lakas nito.

Other News
  • BAGONG LAYA, BEBOT PINATAY

    PATAY ang isang babaeng kalalaya pa lamang umano sa kulungan dahil sa kasong iligal na droga nang barilin ng hindi pa nakilalang salarin sa Port Area,Maynila kagabi. Kinilala ang biktima na si  Janel  Seguros  ng 11st Railroad Port Area. Nabatid na naglalakad sa may Rail Road Street sakop ng  Barangay 650 nang may bumuntot sa […]

  • Excited na rin sa kanilang Christmas vacation: KIM, gustong mapanood si XIAN na mag-direk pero ‘di pinapayagang dumalaw

    NATUWA ang mga fans ni Kapuso actor Tom Rodriguez, nang mag-post ang manager niyang si Popoy Caritativo ng “see you soon!”     Dahil very active na rin muli si Tom sa kanyang Instagram, marami ang nag-post ng comments na natutuwa sila kung magbabalik na muli si Tom sa pag-arte dahil nami-miss na nila ang […]

  • Nakaambang taas singil sa tubig posibleng maramdaman na sa pagpasok ng 2023

    BAD NEWS para sa ating mga kababayan ngayong pagpasok ng bagong taon dahil may nakaambang na taas singil sa tubig sa unang buwan ng 2023.       Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, na ang naturang taas singil ng Maynilad at Manila Water ay para sa pagpapaigting ng kanilang serbisyo tulad ng pagme-maintain […]