• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BAGONG LAYA, BEBOT PINATAY

PATAY ang isang babaeng kalalaya pa lamang umano sa kulungan dahil sa kasong iligal na droga nang barilin ng hindi pa nakilalang salarin sa Port Area,Maynila kagabi.

Kinilala ang biktima na si  Janel  Seguros  ng 11st Railroad Port Area.

Nabatid na naglalakad sa may Rail Road Street sakop ng  Barangay 650 nang may bumuntot sa kaniyang isang lalaki saka binaril sa ulo.

Matapos ang pamamaril ay saka iniwan ang biktima naduguang nakahandusay saka mabilis na tumakas ang suspek

Patuloy naman nagsasagawa ng follow up operation ang pulisya para sa ikadakip ng suspek.

Gayundin inaalam pa kung may kinalaman sa droga ang pamamaril sa biktima na umanoy sangkot din sa ilang iligal na aktibidad sa Maynila.  (GENE ADSUARA)

Other News
  • Manager na si Vice, tahimik at wala pang pasabog: AWRA, maraming nakiki-simpatiya at nanawagan ng hustisya

    SA ngayon, nakukuha ni Awra Briguela ang majority na simpatiya ng mga kaibigan niyang artista, influencers na nagpo-post sa kani-kanilang mga social media accounts na “Justice for Awra.”       Ilan sa mga artista ang talagang nagpaparating ng buo nilang suporta kay Awra na mabuti talaga itong kaibigan at hindi nito deserve ang nangyayari […]

  • P238K shabu nasamsam sa drug suspect sa Valenzuela

    MAHIGIT P.2 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, Biyernes ng umaga.     Sa report ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ang naarestong suspek […]

  • Classroom shortage, top priority dapat ng –DepEd

    NAIS ng mga nakakaraming Filipino na unahin at resolbahin ng Department of Education (DepEd) ang kakulangan sa mga silid-aralan.     Base sa survey na isinagawa ng Pulse Asia noong Setyembre 17-21,2022, tinanong ang 1,200 respondents kung alin sa mga nakalistang isyu ang dapat aksyunan.     Nasa 52% ang tumukoy sa kakulangan ng silid […]