• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Boxing legend Oscar De la Hoya nakalabas na sa pagamutan matapos dapuan ng COVID-19

Nakalabas na sa pagamutan si boxing legend Oscar De la Hoya matapos na magpositibo ito sa COVID-19.

 

 

Sa kaniyang social media account, nag-post ito ng video sa kaniyang pinagdaanan.

 

 

Sinabi nito na tatlong araw siyang nanatili sa pagamutan matapos na tamaan siya ng nasabing virus.

 

 

Nasa magandang kalusugan na raw ito at hindi na siya makapaghintay na makabalik muli sa boxing ring.

 

 

Magugunitang hindi na natuloy ang laban nito kay UFC fighter Vitor Belfort sa Setyembre 11 matapos na madapuan siya ng virus.

 

 

Papalit na lamang sa kaniya para labanan si Belfort ay si dating boxing champion Evander Holyfield.

Other News
  • Remulla itinangging pinoproteksyunan si Duterte sa ICC probe vs drug war

    TAHASANG  itinanggi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na pinoproteksyunan niya sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte.     Sa isang panayam, binuweltahan ni Remulla ang ICC na siyang dapat magbigay sa kanila ng ebidensya na makakatulong sa isinasagawang imbestigasyon ng DOJ sa mga naganap na pagpatay kaugnay ng […]

  • Walang trabaho sa bansa lumobo sa 2.15 milyon

    LALONG tumaas ang unemployment rate ng bansa patungong 4.5% kasabay ng pagtindi ng underemployment rate sa 13.9% nitong Enero, ayon sa pinakabagong datos ng gobyerno.       Mas mataas na kawalang trabaho at underemployment ito kumpara noong Disyembre, na siyang nasa 3.1% at 11.9% bago magtapos ang 2023.       “In terms of […]

  • AFP, PNP RERESPETUHIN ANG DESISYON NG US

    RERESPETUHIN ng AFP at PNP ang desisyon ng US sakaling itigil na ng Amerika ang kanilang security assistance sa Pilipinas.   Ayon kay AFP Spokesperson MGen Edgard Arevalo wala naman silang magagawa kung hindi na magbibigay tulong ang Amerika.   Wala namang problema sa AFP kung may panukala ang US congress na itigil ang security […]