House oks drag racing ban ng PUV drivers
- Published on March 22, 2021
- by @peoplesbalita
Isang mungkahi ng Mababang Kapulungan ang pinagtibay sa ikalawang pagsusulit tungkol sa pagbabawal ng bus at jeepney drivers na mag drag racing sa mga pangunahing lansagan.
Ang mahuhuling mga bus at jeepney drivers ay papatawan ng malaking multa at parusang pagkakabilango ng isang taon.
Ito ang House Bill 8916 na gawa ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo na inaasahang maaprobahan sa ikatlo at huling reading.
“This practice has resulted in the senseless and preventable deaths of PUV riders and bystanders. A law is needed to ban drag racing since it has become common among PUV drivers,” wika ni Castelo.
Kasama sa pagbabawal ng drag racing ay ang pribado at pampublikong sasakyan. Bawal rin ang drag racing sa mga pribadong kalsada maliban na lamang kung pinayagan ng mga lokal na pamahalaan.
Ayon sa nasabing HB 8916, ang drag racing ay ang pagpapatakbo ng dalawa or mas madami pa na sasakyan na naguunahan at magkakatabi na mabilis ang paandar upang mauna ang isa sa kanila.
“It is common among PUV drivers, especially in Metro Manila to race against each other to pick up more passengers on the roads,” dagdag ni Castelo.
Ang mungkahing kaparusahan ay isang taong pagkakakulong at multang P300,000 hanggang P500,000 o di kaya ay pareho depende sa paghuhusga ng korte. “These would be in addition to other penalties the court may impose for other crimes resulting from drag racing,” saad ni Castelo.
Masusupendi rin ang driver’s license ng driver ng anim na buwan. Ang ikalawang offense naman ay magreresulta sa tuluyang walang karapatan na makakuha ng driver’s license.
Kukunin din ang sasakyan na sangkot sa drag racing at ang Land Transportation Office (LTO) ay magbibigay ng kaukulang singil para sa storage ng nasamsam na sasakyan.
Ang mga ahensiya ng pamahalaan na siyang magtutulong tulong sa pagpapatupad ng nasabing batas ay ang Philippine National Police (PNP), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Department of Transportation (DOTr). (LASACMAR)
-
LRT-1 Cavite Extension Project, 55.6% nang kumpleto – DOTr
Nasa 55.6% nang kumpleto ang konstruksiyon ng Cavite Extension Project ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1), ayon kay Department of Transportation (DOTr) Arthur Tugade. Ayon kay Tugade, matagal nang inaasam ng publiko, partikular na ng mga taga-Cavite, na matapos ang naturang proyekto lalo na at may 19-taon na itong naantala. Sa […]
-
Ads April 20, 2023
-
GOVT SERVICES SA NAVOTAS MAAARING ISARA
Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, inihayag ni Mayor Toby Tiangco na maaari pansamantalang ipa-shutdown muna ang government services sa lungsod. Aniya, lima sa 18 barangay halls na kinabibilangan ng San Jose, Bangkulasi, San Rafael Village, North Bay Boulevard North, at North Bay Boulevard South-Proper ang pansamantalang naka-lockdown para […]