• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tatakbong pangulo? Pacquiao nagpaparamdam na

Nagpatikim na si eight-division world champion Manny Pacquiao sa posibleng pagtakbo nito sa Presidential Election sa susunod na taon.

 

 

Naglabas ng post si Pacquiao sa kanyang mga social media accounts kung saan ikinuwento nito ang kanyang naging karanasan.

 

 

Naging halimbawa nito ang kanyang sarili na dumaan sa matitinding pagsubok bago makamit ang tinatamasang tagumpay.

 

 

“When I was young, my biggest fear was not kno­wing if our family could survive without another meal. The fee­ling of seeing your mother and siblings not having food was tragic and I wish no kid have to go through that. Yes, it made me into who I am today, but it took years for me to overcome that nightmare,” ani Pacquiao.

 

 

Alam ng lahat na galing sa hirap si Pacquiao.

 

 

Dumating sa puntong kailangan nitong mag-trabaho sa murang edad para matustusan ang pa­ngangailangan ng kanyang pamilya.

 

 

Hanggang sa maabot na nito ang tuktok ng ta­gumpay sa pamamagitan ng boksing.

 

 

Kaya naman nais ni Pacquiao na maging ma­gandang ehemplo para sa iba na dumaranas ng hirap.

 

 

“Hindi ako nawalan ng pag-asa sa gitna ng mga pagsubok. Patuloy akong lumaban sa buhay at nagtiwala sa Diyos,” ani Pacquiao.

 

 

Hangad ni Pacquiao na makatulong sa mga kababayan nito upang malampasan ang mga ganitong pagsubok sa buhay.

 

 

Dahil sa naturang post, usap-usapan na ang posibleng pagtakbo ni Pacquiao bilang pangulo sa 2020 national election.

 

 

Nakaabang na ang lahat sa magiging anunsiyo nito.

Other News
  • Trial doses ng Sputnik V, hahatiin sa 5 lungsod sa Metro Manila

    Limang lungsod pa lang sa Metro Manila ang makatatanggap ng 15,000 doses ng inisyal na sampol ng Sputnik V COVID-19 vaccine mula sa Russia na dumating sa bansa nitong Sabado.     Makakatanggap ng tig-3,000 trial doses ng naturang bakuna ang mga lungsod ng Makati, Taguig, Muntinlupa, Maynila at Parañaque.     Ayon kay Health […]

  • 2 pang games kinansela ng NBA dahil sa COVID protocols

    Dalawa pang games ang kinansela ngayon ng NBA dahil sa COVID-19-related at contact-tracing issues.   Ang laro sana mamaya sa pagitan ng Dallas Mavericks at New Orleans Pelicans ay ipinagpaliban muna.   Maging ang matchup bukas ng Chicago Bulls at Boston Celtics.   Una nang na-postpone rin ang ang game ng Miami Heat versus Boston […]

  • DOTr, itutuloy ang naudlot na railway projects sa tulong ng South Korea, Japan at India

    PINAG-AARALAN ng Department of Transportation (DOTr) na ipagpatuloy ang dating mga railway projects na suportado ng China.     Ito ay sa pamamagitan ng official development assistance (ODA) mula sa South Korea, Japan, India.     Gayundin sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga pribadong sektor.     Sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na ang […]