• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Gameboys’ nina ELIJAH at KOKOY, nominated sa ‘2021 International Emmy Awards’

NOMINATED sa 2021 International Emmy Awards ang acclaimed Boys’ Love series na Gameboys na pinagbidahan nina Elijah Canlas at Kokoy De Santos.

 

 

In-announce ito ng IdeaFirst Company, ang creator of Gameboys, sa pamamagitan ng Instagram and Twitter pages noong Sept. 8.

 

 

May caption ito na, “Congratulations team Gameboys! International Emmy Awards 2021 nominee for kids – live action.”

 

 

Makatutunggali ng Gameboys ang tatlo pang entries mula sa Australia, the Netherlands at Argentina under the kids live-action category.

 

 

Ito ang nag-iisang Filipino production na magko-compete para sa award, batay sa nilabas na ng Academy of Television Arts & Sciences noong Sept. 7.

 

 

Ang iba pang categories sa 2021 International Emmy Awards ay Kids: Animation and Kids: Factual and Entertainment.

 

 

Malalaman ang mga nanalo sa online presentation sa Oct. 12, 2021.

 

 

Matatandaan na nakatanggap na ang Gameboys ng first international recognition last November 202, matapos na hirangin ang serye bilang Best Web Series sa Indie Shorts Awards in Seoul.

 

 

Ang first season ng Gameboys ay unang pinalabas sa IdeaFirst’s YouTube channel last May 22, 2020, na agad minahal at nakakuha ng suporta sa mga fans worldwide at consistent din ito sa positive reviews mula sa kritiko.

 

 

Kasama rin na nagpatingkad at minahal din sa serye sina Adrianna So, Kyle Velino at Miggy Jimenez.

 

 

Ang Netflix version ng first season naman ang sumunod na napanood, Gameboys Level-Up Edition, na ni-release naman noong December 2020.

 

 

Nag-debut naman ito sa Philippine network TV nitong June 13, 2021, sa pamamagitan ng GMA’s Heart of Asia. Dahil sa success ng serye nagkaroon ito ng Gameboys: The Movie na napanood naman worldwide last July, samantala, inilabas na ang trailer ng second season and soon na mapapanood na rin ito.

 

 

Ang Gameboys ay mula sa direksyon ni Ivan Andrew Payawal, sa panulat ni Ash Malanum, at mula sa produksyon nina Perci Intalan at Jun Lana.

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Dr. Carl, malaki ang tiwala sa all-nurse cast: Napiling bida ng ‘Siglo ng Kalinga’ na si JOY RAS, naging emosyonal

    INI-REVEAL na ang all-nurse cast nang malabuluhan na pelikulang ‘Siglo ng Kalinga’ na inspired sa buhay ni Anastacia Giron Tupas, na siyang nagtatag ng Filipino Nurses Association noong 1922.      Ang FNA nga ay naging PNA, pagkaraan ng ilang taon. At layon ng pelikula ang pagdiriwang ng ika-100 anibersaryo ng Philippine Nurses Association.   […]

  • Imprastraktura dahil sa Abra quake sumirit na sa P1B

    UMABOT na sa mahigit isang bilyon ang halaga ng nasirang imprastraktura dahil sa magnitude 7 na pagyanig sa Abra, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Martes.     Batay sa inilabas na situational report ng ahensya nitong alas-8 ng umaga, 1,470 na ang kabuuang bilang ng nasirang imprastraktura na siyang […]

  • LTO sa Metro Manila, Laguna, Bataan balik operasyon na

    Nagbabalik-operas­yon na simula Lunes, Agosto 23, ang mga tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) sa National Capital Region (NCR), Laguna at Bataan.     Ito, ayon sa LTO, ay kasunod na rin ng pagbababa na ng quarantine classification ng mga nasabing lugar sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula sa dating ECQ.     Sinabi […]