PROVINCIAL BUSES BALIK BIYAHE NA
- Published on September 30, 2020
- by @peoplesbalita
BALIK biyahe na simula ngayong araw ang mga provincial bus na papayagan nang bumiyahe, matapos ang halos anim na buwan na pagka garahe ng mga ito.
Simula ngayong araw mayroon nang mga bus galing South at North ang bibiyahe sa ilalim ng modified bus routes na inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Paglilinaw ng LTRFB at ng MMDA na hindi daraan sa EDSA ang mga bus. Halimbawa na ang mga bus na galing Norte ay sa Mindanao Avenue dadaan patungong Katipunan, diretso ng P. Tuazon at patungo ng Cubao Araneta Center.
Point-to-point ang mga bus at hindi papayagang magbaba at magsakay kung saan-saan lang.
Ilan sa mga ruta ng mga pro- vincial buis na balik biyahe na ay mag mga sumusunod.
1. San Fernando, Pampanga – Araneta Center, Cubao, Quezon City,
2. Batangas City, Batangas – Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx),
3. Lemery, Batangas – PITx,
4. Lipa City, Batangas – PITx ,
5. Nasugbu, Batangas – PITx,
6. Indang, Cavite – PITx,
7. Mendez, Cavite – PITx,
8. Tagaytay City, Cavite – PITx,
9. Ternate, Cavite – PITx,
10. Calamba City, Laguna – PITx,
11. Siniloan, Laguna – PITx at ang Sta. Cruz, Laguna – PITx. (Ronaldo Quinio)
-
AMBS at ABS-CBN, nagkapirmahan na: Tumatak na Kapamilya serye nasa ALLTV na bukod sa ‘TV Patrol’
INANUNSIYO na ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) at ABS-CBN Corporation ang kanilang partnership na maghahatid ng mga minahal na entertainment program at makabuluhang balita sa mga manonood sa pamamagitan ng free-to-air channel na ALLTV. Ginanap ang contract signing ceremony sa Brittany Hotel Villar City para sa content agreements na magbibiday-daan sa ALLTV na […]
-
INTERNS UMPISA NA SA PAGTATRABAHO SA CITY HALL
MAGSISIMULA na ang nasa 20 benepisyaryo ng Government Internship Program (GIP) ng kanilang trabaho sa June 15 sa Navotas City Hall. Tinanggap ni Mayor Toby Tiangco ang mga GIP at ipinaalala sa kanila ang kakayahan ng serbisyo publiko. “In government service, we are here not just to do our job. We […]
-
Hirit na pagbuwag sa IATF, hindi maituturing na constructive criticism -Malakanyang
POLITIKA ang nangingibabaw na motibo para sa panawagang buwagin ang Inter-Agency Task Force (IATF). Hindi kasi makita ng Malakanyang na isang constructive criticism ang panawagang buwagin ang IATF. Kumbinsido si Presidential Spokesperson Harry Roque na pamumulitika ito lalo pa’t ang mga nananawagan at patuloy na pumupuna sa Task Force ay may kani- kanya […]