Enrollment ngayong school year mas marami
- Published on September 16, 2021
- by @peoplesbalita
Labis na ikinatuwa ng Department of Education (DepEd) ang mas mataas na bilang ng mga nag-enroll para sa School Year 2021-2022 kumpara noong nakaraang school year.
Ayon sa DepEd, sa ngayon ay mayroon nang 26,308,875 o 100.3 percent ng mga estudyante ang nag-enroll kumpara sa 26,227,022 na nag-enroll noong nakaraang taon.
Pero mas mababa pa rin ito kumpara sa enrollment bago pumutok ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic noong School Year 2019-2020 na mayroon 27 million enrollees.
Ang mga lugar na nalagpasan ang enrollment noong nakaraang taon ang Ilocos, Cagayan, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Western Visayas, Northern Mindanao, Soccsksargen, Caraga at Cordillera.
Ang rehiyon namang mayroon pinakamaraming enrollees ang Calabarzon na mayroong 3,440,205, Central Luzon 2,579,984 at National Capital Region na mayroong 2,415,663.
Ayon sa DepEd nasa 20,029,767 students ang nag-enroll sa public schools mayroon 1,668,489 sa private schools at 53,292 sa state universities at colleges maging sa mga local universities at colleges.
Patuloy pa rin naman ang enrollment para sa kasalukuyang school year at magtatapos ito sa September 30.
-
LGUs may 1-time extension para sa cash aid distribution hanggang May 15 – DILG
Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na nasa 61.85% na ang naipamahagi sa kabuuang P22.9 billion na pondo na inilaan ng gobyerno para sa mga residente ng National Capital Region (NCR) na apektado sa dalawang linggong re-imposition ng enhanced community quarantine (ECQ) sa “Plus Bubble.” Nasa P4,000 cash aid ang […]
-
Malaking bahagi ng Pilipinas, makararanas ng mas matinding tag-tuyot hanggang Mayo 2024
TINATAYANG 77% ng mga lugar sa pilipinas ang tatamaan ng mas matinding tagtuyot hanggang sa katapusan ng Mayo ng susunod na taon. Sinabi nii Science and Technology Secretary Renato Solidum sa press briefing sa Malakanyang, ito ang lumabas sa weather patterns na kanilang inobserbahan para paghandaan ang mga epekto ng El Nino phenomenon. […]
-
FIND YOUR HAPPY PLACE IN “TROLLS WORLD TOUR”
DREAMWORKS Animation’s musical adventure Trolls World Tour is coming to Philippine cinemas soon! (Watch the Trolls World Tour trailer at https://youtu.be/ck-0aXE2iDc) Anna Kendrick and Justin Timberlake return in an all-star sequel to DreamWorks Animation’s 2016 musical hit: Trolls World Tour. In an adventure that will take them well beyond what they’ve known before, […]